Carlo Aquino sa anak: ‘You'll always be my little princess’

Pangako ni Carlo Aquino sa anak: ‘You will always be my little princess’

Pauline del Rosario - August 25, 2024 - 03:36 PM

Pangako ni Carlo Aquino sa anak: ‘You will always be my little princess’

PHOTO: Instagram/@jose_liwanag

MARAMING netizens ang natuwa matapos ibandera ni Carlo Aquino ang masayang “bonding moments” kasama si Enola Mithi, ang anak niya sa ex-partner na si Trina Candaza.

Makikita sa isang Instagram post ang kulitan ng mag-ama, kalakip ang tila pangako ni Carlo.

“The days, the weeks, and the months will fly…But you will always be my little princess,” caption niya sa IG.

Mapapansin din na tinag ng aktor ang kanyang misis na si Charlie Dizon na siyang kumuha ng mga litrato.

Baka Bet Mo: Anak ni Carlo kay Trina hindi flower girl sa kasal nila ni Charlie

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Sa comment section, marami ang pumuri kay Carlo dahil ito raw ang tamang gawin bilang isang ama.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Tama yan make it a habit to be with your daughter napakalaking bagay sa wellbeing ng bata.”

“Wow! Happy to see you both enjoying your time together [red heart emojis] Mithi and daddy Carlo [red heart emojis].”

“Ang sarap sa mata na makita kayong ganyan [smiling face with heart eyes emoji] Love you both [blowing kiss, heart emojis].”

“Wow daddy and daughter bonding [heart emoji].”

“Gandang bata [smiling face with heart eyes emoji] please ‘wag mo siya pabayaan. Kitang-kita ang saya ng mata niya [red heart emoji].”

Magugunita noong Hulyo lamang nang mag-trending sa social media ang ilang litrato ni Charlie na nakikipag-bonding sa stepdaughter.

Ito ay matapos ibunyag ni Trina na hindi man lang inalok si Mithi na maging parte ng kasal ng celebrity couple.

Kung matatandaan, January 2019 nang maging magdyowa sina Carlo at Trina.

September 2020 nang magkaroon sila ng anak na si Mithi at taong 2022 naman nang maghiwalay sila.

Makalipas ang isang taon, ni-reveal ni Carlo na siya ay pinagbawalang makita ang anak.

Pero agad itong itinanggi ng dati niyang partner, “’Di ko raw pinapahiram si Mithi at siya ang bumubuhay sa aming dalawa. That’s not true kasi I also pay half of our expenses so para sa akin, dalawa kaming nagpo-provide.”

Giit pa ni Trina, “Hindi ko pinagdadamot. It’s just that hindi siya pumupunta.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit nagiging komplikado minsan ang co-parenting setup ng dalawa, sinabi ni Trina sa isang interview na papayagan niyang mag-bonding ang kanyang anak at magiging stepmom nito.

“Kaya para sa akin, if ever man dumating ‘yung panahon na may papakasalan na siya, siguro ‘yun kailangan na namin magkita-kita. Hahayaan ko na sila mag-bonding kasi ‘yun na ‘yung tatayong pangalawang ina ni Mithi,” sey niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending