Anak ni Carlo kay Trina hindi flower girl sa kasal nila ni Charlie

Anak ni Carlo kay Trina hindi flower girl sa kasal nila ni Charlie

Reggee Bonoan - June 10, 2024 - 10:19 AM

Anak ni Carlo kay Trina hindi flower girl sa kasal nila ni Charlie

Trina Canada, Carlo Aquino, Enola Mithi at Charlie Dizon

IISA ang tanong ng lahat, bakit hindi ginawang flower girl ni Carlo Aquino ang anak na si Enola Mithi Candaza Aquino sa kasal nila ni Charlie Dizon?

Kahapon ikinasal sina Carlo ar Charlie sa pamamagitan ng isang intimate wedding sa isang pribadong resort sa Silang, Cavite. At marami nga ang naghanap kay Enola Mithi dahil inakala nilang magiging bahagi ito ng entourage.

May mga nabasa kaming mga ganitong komento sa post ng nanay ni Mithi na si Trina Candaza sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang isang empty wall na may katabing painting.

Baka Bet Mo: Carlo Aquino muling naka-bonding ang anak: Pagmamahal na habang buhay…

Ang intindi namin sa empty wall na post ni Trina since wala rin naman siyang caption ay, “wala siyang nasabi o masabi.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


Anyway, ang mga nabasa naming komento mula sa netizens ay ang mga sumusunod:

Mula kay Jestine Taburada, “When I heard that Carlo Aquino got married today, I immediately thought of her and Mithi.”

Sabi naman ni @__czarinaaaaa, “Ako lng ba pumunta ng IG para mag comment dito.”

Tanong ni @imstefhynovero, “Hindi man lang naging abay un anak nya..naku gluck ke ate girl.”

Sapantaha naman ni @iamjeanettelignes, “Sometimes God removes people from our lives to protect us.”

Baka Bet Mo: Carlo Aquino absent sa third bday celebration ng anak na si Mithi, anyare?

Aliw namang sabi ni @alou_02, “Mas maganda ka kaysa don sa isa, anong meron yun? Just saying!”

Diretsong komento ni @nbretardo, “You’re lucky, you don’t deserve him.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


Mula kay @cas_gie, “Nasasaktan aqo para sa kanya…feelings qo lang 2.”

Ang payo ni @ordinaryo_na_taclobanon, “Let us not be sad for her, instead let us all be happy that God save her from more pain. We should all rejoice that her life was not wasted to that kind of boy and she has a chance to meet the best and perfect man.”

Ganito rin sabi ni @ashloi_official, “The pain that you’ve been feeling, can’t compare to the joy that’s coming.”

Yakap naman ang alok ni @mariasheena_, “wala ako sa posisyon mo pero ramdam ko ung sakit, mahigpit na yakap.”

Naka-relate rin si Pauline Sulit, “ Ok lang yan ang mahalaga nasa ‘yo ang anak mo she’s more than enough. Tayong mga nanay sobra pa sa sobra kapag may anak na kasama sa buhay hindi natin kailangan ng lalaki para makumpleto tayo.”

Sabi ni @Machris Rosales, “Si Carlo Yung lalaking ikinasal na di ko magawang i congrats (emoji laughing face) di ko alam kung bakit pero I think di niya deserve pero di ko Naman sinasabing bitter Ako Kay girl pero di ako happy para sa kanila honest lang.”

Trending si Trina sa Facebook at Instagram sa rami ng komento ng netizens at lahat ay nakikisimpatiya sa kanya at ni isa ay walang kumampi kay Carlo.

Anyway, feeling namin kaya hindi kinuha ni Carlo ang anak na maging parte ng kasal nila ni Charlie ay dahil ayaw niyang malito ang bata o magtanong bakit ibang babae ang pinakasalan ng tatay niya? O, baka ayaw din ni Charlie na maging parte si Mithi sa kasal nila ng aktor para walang isyu?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

O, pwede ring si Trina ma ang hindi pumayag na maging parte ng kasal nina Carlo at Charlie si Mithi?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending