Aiko Melendez, Julian Trono nag-TikTok sa session hall, netizens napataas ang kilay
TRENDING ngayon ang Kapuso stars at government officials na sina Aiko Melendez at Julian Trono.
Marami kasi ang napataas ang kilay matapos mapanood ang ginawa nilang pagsasayaw na uploaded sa TikTok acount ng aktres na ginawa sa loob ng session hall.
“With Sk Federation President for QC councilor @Julian Trono fun times before session,” caption ni Aiko.
Ang aktres ay isa sa mga inihalal na konsehal ng District 5 ng Quezon City habang si Julian naman ay SK Federation President for Quezon City.
Marami sa mga netizens ang matapang na nag-call out sa ginawa nina Aiko at Julian dahil “pambabastos” raw ang ginawa nilang pagsasayaw sa loob ng session hall.
“Jusko ginawang playground ang session hall ni Madam,” komento ng isang netizen.
Baka Bet Mo: Aiko Melendez nasira ang maleta, disappointed sa isang airline: Our belongings should be treated with proper care
round ang [Philippine] flag.”
“Anong nagyayari sa mga politicians ngayon? Wala namang problema mag Tiktok — pero sana igalang naman yung session hall. Lugar po ‘yan para gumawa ng batas hindi po para mag tiktok. Respeto naman po sana, Councilor Aiko Melendez & SK President Julian Trono,” sey pang isa.
Hirit pa ng isang netizen, “If ordinary citizens would do this inside the session hall regardless if in session or not, sanctions would be made but with you? nothing,” sey naman ng isa.
Maging si Atty. Rowena Guanzon, dating COMELEC commissioner ay napa-react sa viral TikTok video ni Aiko.
“There must [be] a law or rules of the House of Representatives against this,” sey niya.
May isa pang TikTok video na in-upload si Aiko kung saan kasama niya sina Majority Floor leader Dorothy Delarmente at mga kapwa konsehal na sina Chuckie Antonio at Wency Lagumpay.
Nilinaw naman ng aktres sa comment section na wala raw silang na-violate na ruling sa ginawa nilang TikTok video.
“[C]learly the video was done before “session” so we did not violate any ruling po 🙂 no roll call was made yet,” paliwanag ni Aiko.
Related Chika:
Aiko Melendez first time na ‘di makakasama ang mga anak sa Mother’s Day: That completely breaks my heart…
Payo ni Aiko Melendez sa mga baguhang artista: ‘Be humble…matutong magpasalamat’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.