Aiko Melendez ayaw makatrabaho si Jomari Yllana: 'Hindi pa kasi kami OK' | Bandera

Aiko Melendez ayaw makatrabaho si Jomari Yllana: ‘Hindi pa kasi kami OK’

Reggee Bonoan |June 19,2023
facebook
share this

Aiko Melendez ayaw makatrabaho si Jomari Yllana: ‘Hindi pa kasi kami OK’

Reggee Bonoan - June 19, 2023 - 10:06 AM

Aiko Melendez ayaw makatrabaho si Jomari Yllana: 'Hindi pa kasi kami OK'

Aiko Melendez at Jomari Yllana

TINANGGIHAN ni Konsehala Aiko Melendez ang isang TV series sa GMA 7 dahil makakasama niya ang dating asawang si Jomari Yllana.

Sa vlog ni konsi Aiko nakachikahan niya ang beteranang aktres na si Snooky Serna na in-upload sa YouTube nitong Linggo ng gabi.

Napag-usapan nina Aiko at Snooky ang mga taong ayaw na nilang makatrabaho pero sa parte ni Kooky ay hindi niya binanggit kung sino dahil sikat ito at baka isiping nakikisakay siya kaya mas ginusto na lang nitong kumain ng dila ng baboy na bahagi ng kanilang challenge.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


Ayon naman kay Aiko ay ang ex-husband niyang si Jomari na ama ng anak na si Andre Yllana ang ayaw niyang maka-work.

Baka Bet Mo: Aiko gusto pang magka-baby kaya balak magpa-freeze ng ‘eggs’; may request kay Jomari para kay Andre Yllana

Ang punto ng konsehala ng 5th district ng Quezon City, “Ganito ate may explanation ako kung bakit ayaw ko. Si Jomari ayaw ko muna siyang makatrabaho kasi hindi pa namin naaayos ‘yung relationship namin kahit na civil.

“So, ang hirap namang katrabaho ang isang tao pagdating sa set may ilangan factor, so iyon.

“Not because I don’t wanna work with him anymore it’s just that hindi pa kasi kami okay, so, ‘yun,” paliwanag ni Aiko.

Pinuri naman nang husto ni Snooky si Aiko dahil very honest at disenteng sumagot.

Pagpapatuloy ni Aiko, “Two weeks ago I had an offer to make soap opera with him and I decline.

“And I said na I want to protect also Andre our son and ang pangit na pagpipiyestahan na naman kami magpapansinan and just for bread trip lang gagawin namin ‘wag na lang.”

Ano kayang masasabi ni Jom sa naging pahayag ni Aiko?

Aiko Melendez first time na ‘di makakasama ang mga anak sa Mother’s Day: That completely breaks my heart…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jomari Yllana may ‘template’ nga ba sa bawat babaeng minamahal, sey ni Cristy: Parang walang sinseridad?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending