Aiko gusto pang magka-baby kaya balak magpa-freeze ng 'eggs'; may request kay Jomari para kay Andre Yllana | Bandera

Aiko gusto pang magka-baby kaya balak magpa-freeze ng ‘eggs’; may request kay Jomari para kay Andre Yllana

Ervin Santiago |October 19,2022
facebook
share this

Aiko gusto pang magka-baby kaya balak magpa-freeze ng ‘eggs’; may request kay Jomari para kay Andre Yllana

Ervin Santiago - October 19, 2022 - 07:39 AM

Aiko gusto pang magka-baby kaya balak magpa-freeze ng 'eggs'; nanawagan kay Jomari para kay Andre Yllana

Jomari Yllana, Aiko Melendez at Andre Yllana

MAKAHULUGAN ang naging pahayag ng Kapuso actress na si Aiko Melendez nang muling matanong tungkol sa ex-husband niyang si Jomari Yllana.

May kanya-kanya na silang buhay ngayon kapiling ang mga bago nilang partner pero hindi pa rin nila maaaring iwasan ang isa’t isa dahil sa kanilang anak na si Andre Yllana.

Si Aiko ay maligaya na sa piling ni Zambales Rep. Jay Khonghun habang mukhang nahanap na rin ni Jomari sa dating sexy star na si Priscilla Almeda ang kanyang “forever.”

Pero feeling namin, malalim pa rin ang hugot ni Aiko sa dati niyang asawa dahil nang hingan nga siya ng reaksyon tungkol sa lovelife nito ay ramdam na ramdam na may “something” sa naging sagot niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


Sa muling pagharap ni Aiko sa ilang members ng entertainment media para sa presscon ng bagong Kapuso primetime series na “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” ay nagkomento nga siya about Jomari and Abby.

Hiningan kasi siya ng komento kung anong masasabi niya sa naging pahayag ni Jomari na “first and last love” na raw nito ang karelasyong si Priscilla Almeda na mas naunang nakilala sa showbiz bilang Abby Viduya.

Diretsahang sey ni Aiko, “Ang lagi kong iniisip ay ang kapakanan ng anak ko, so yung masaya sya sa lovelife niya ibigay natin yun.

“Pero sana isama n’ya sa pagiging buo nya as a person ang pagiging buo ng buhay niya ang panganay niyang anak si Andre at yung dalawa pa niyang anak,” aniya pa.

Sabi pa ni Aiko, never niyang hinayaan na magalit si Andre (24 years old na ngayon) sa kanyang ama pero sana naman daw ay magkaroon ng chance ang mag-ama na makapag-bonding ans to spend quality time together.

“I believe itong age ni Andrei ang pinakamasayang maging kabarkada. It’s the best time for father and son bonding,” sabi pa ng aktres.

Samantala, umaasa at ipinagdarasal din ni Aiko na sana’y sa kasalan din mauuwi ang five-year relationship nila ni Cong. Jay Khonghun.

Pero sey ni Aiko, hindi naman niya masasabi kung kailan ito mangyayari dahil siya ang babae, alangan naman daw na siya pa ang mag-propose sa kongresista.

Inamin din ng Kapuso star na plano rin niyang ipa-“freeze” ang kanyang  “eggs” para anytime na magdesisyon siyang magbuntis at manganak uli ay pwede pang humabol.

Pero nagdadalawang-isip din daw siya about having another baby dahil ang feeling niya ay hindi na gusto ng isa pa niyang anak na si Marthena ang magbuntis siya dahil nasabi raw sa kanya ng bagets na nais nitong manatiling bunso sa kanilang pamilya.

Mapanood na uli ang konsehal ng Quezon City sa TV simula sa October 31 at yan ay sa pamamagitan ng afternoon series na “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” produced by GMA 7 ans Regal Entertainment.

Jomari hindi inaakalang makakabalikan si Abby Viduya: Never naming naisip ‘yunHamon ni Anjo kina Jomari at Abby: Magpa-lie detector test kami sa Camp Crame

Hamon ni Anjo kina Jomari at Abby: Magpa-lie detector test kami sa Camp Crame

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, Anjo Yllana inalok ng P5-M para umatras sa Eleksyon 2022?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending