True ba, Anjo Yllana inalok ng P5-M para umatras sa Eleksyon 2022? | Bandera

True ba, Anjo Yllana inalok ng P5-M para umatras sa Eleksyon 2022?

Reggee Bonoan |January 06,2022
facebook
share this

True ba, Anjo Yllana inalok ng P5-M para umatras sa Eleksyon 2022?

Reggee Bonoan - January 06, 2022 - 09:04 AM

Anjo Yllana at Jomari Yllana

MAY bahid kaya ng katotohanan ang lumabas na chika tungkol sa tunay na dahilan ng pag-atras ni Anjo Yllana sa pagtakbong kongresista sa 4th District ng Camarines Sur?

Napanood namin ang vlog ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” kung saan tinalakay ang gusot sa pagitan ni Anjo at ng kapatid niyang si Jomari Yllana.

Ito ang hot topic nina Ogie at Mama Loi kasama si Tita Jegs at dito nga nabanggit na may kumausap umano kay Anjo na iurong na ang kanyang kandidatura kapalit ng P5 milyon.

Sabi ni Ogie, “Sabi ng source ko sa CamSur, hindi ko naman po kino-confirm ito na totoo ah, hindi ko naman sinasabing hindi siya (source) reliable pero ito lang ‘yung nasagap namin na puwede namang pabulaanan ng kung sinuman ang tatamaan nito.

“Na si Anjo ay umatras sa kanyang kandidatura bilang congressman at sinabi niya sa sponsor niya na kumuha na lang ng substitute dahil hindi na niya kinakaya ‘yung mga nagaganap dahil medyo gipit na rin si Anjo financially.

“Ngayon merong tsika na inawitan daw si Anjo na umatras na at bibigyan ng P5M. ‘Yun ang nakarating na balita sa source ko.

“Kaya nagagalit daw si Jomari kay Anjo kaya itatanong din namin kay Anjo kung totoo ba na may natanggap siyang P5M,” ang pahayag pa ni Ogie.

Ayon kay Anjo, umurong siya sa pagtakbo dahil wala na siyang perang pangtustos sa pag-iikot niya at nalaman niya na may kaltas pala ang natatanggap niyang budget mula sa “katiwala” niya na eventually ay pinangalanan niyang sina Jomari Yllana at Abby Viduya.

“According kay Anjo hindi niya ma-imagine at maatim na ang sariling kapatid (Jomari) ang gagawa ng ganu’n sa kanya,” sabi pa ng talent manager at vlogger.

Hindi rin daw nasunod ang pangakong may matatanggap na bonus si Anjo pagkatapos niyang mag-file ng COC.

Nagtanong si Mama Loi kay Ogie, “So pareho silang at fault dito kasi ‘yung isa (Jomari) hindi ibinigay ang buo (budget) tapos (Anjo) umatras tinanggap ‘yung ano (offer)?”

Say ni Ogie, “’Yun nga, kina Jomari parang naakusahan naman na kinakaltas nila ‘yung kalahati ni Abby Viduya na hindi naman natin confirmed kung totoo ‘yun, ha? Na kalahati lang napupunta kay Anjo, e, siya ‘yung pagod na pagod na for how many months niya itong ginagawa na ikinalulungkot daw ni Anjo.”

Sabi pa ni Ogie, “Ito’y malungkot na balita para sa industriya dahil nu’ng una ay nasanay na tayo na Barretto sisters (Marjorie, Claudine at Gretchen) ang nag-aaway, sinanay na tayo niyan.

“Ito (Yllana brothers) hindi, eh. Hindi tayo sanay na mga Yllana nag-aaway. Ang masaklap nito, parang si Jomari nagkuwento sa nanay (nila) at sa mga kapatid. At kumpampi ang pamilya kay Jomari kaya medyo masama ang loob ni Anjo. Kasi ang totoo raw ay siya ‘yung naisahan kasi hindi ibinigay sa kanya ‘yung buong budget,” pahayag ni Ogie.

At dito na naglabas ng sama ng loob si Anjo na pinuputol na raw niya ang pagiging magkapatid nila ni Jomari. Balita rin namin na galit na rin ang mga anak ng komedyante kina Jomari at Abby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag nina Anjo, Jomari at Abby. Agad naming ilalathala ang magiging official statement nila hinggil sa isyung ito.

Anjo umatras sa Eleksyon 2022 dahil sa pera: Masama ang loob ko sa katiwala ko, hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to

Hamon ni Anjo kina Jomari at Abby: Magpa-lie detector test kami sa Camp Crame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending