Jomari Yllana, Abby Viduya 'husband & wife' na ang tawagan sa isa't isa, ikinasal na nga ba? | Bandera

Jomari Yllana, Abby Viduya ‘husband & wife’ na ang tawagan sa isa’t isa, ikinasal na nga ba?

Ervin Santiago |December 19,2022
facebook
share this

Jomari Yllana, Abby Viduya ‘husband & wife’ na ang tawagan sa isa’t isa, ikinasal na nga ba?

Ervin Santiago - December 19, 2022 - 10:00 AM

Jomari Yllana, Abby Viduya 'husband & wife' na ang tawagan sa isa't isa, ikinasal na nga ba?

Jomari Yllana at Abby Viduya

IKINASAL na nga ba ang celebrity couple na sina Jomari Yllana at Abby Viduya?

Yan ang tanong ng madlang pipol nang makita nila at mabasa ang Instagram post ng aktor at politiko kamakailan.

Nagbahagi kasi si Jomari ng litrato nila ni Abby sa IG na ang nakalagay na caption ay, “With my gorgeous wife.”

Sinagot naman ito ng dating sexy actress ng, “Love you, my gorgeous husband.”

Kaya naman ang paniwala ng kanilang mga tagasuporta at social media followers ay nagpa-secret marriage na raw ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jomari Yllana (@jomariyllana)


Pero may mga nagkomento naman na baka raw term of endearment lang ng magdyowa ang “my husband” at “my wife”.

Sa panayam namin kina Jom at Abby ilang linggo na ang nakararaan, inamin nilang may balak na talaga silang magpakasal. Sey ni Jomari, baka raw mangyari ang wedding  bago matapos ang kanyang termino bilang councilor sa Parañaque.

“We will get married pagkatapos ng last term ko. Alam n’yo masarap umuwi sa bahay na kasama mo ang taong mahal mo, ka-match mo. Ang dami na nating pinagdaanan, pandemic and all.

“You learn to appreciate the little things. Lalo na ang essence ng buhay. Dapat kasi ngayon, ang approach mo sa buhay, positive lang, good life. Tama na yung negativity,” pahayag ni Jom.

“Si Abby, gusto ko makita siya walking down the aisle na naglalakad siya titingin sa kaliwa, sa kanan, makikita niya ang mga kaibigan niya, mga pamilya niya, people who are very, very close to you,” aniya pa.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na official statement sina Jomari at Abby kung totoong ikinasal na sila.

Abby Viduya love na love si Jomari Yllana: ‘He is my first and last!’

Aiko gusto pang magka-baby kaya balak magpa-freeze ng ‘eggs’; may request kay Jomari para kay Andre Yllana

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jomari hindi inaakalang makakabalikan si Abby Viduya: Never naming naisip ‘yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending