Toni Fowler sinabihang ‘plastic’ si Rendon Labador

Toni Fowler sinabihang ‘plastic’ si Rendon Labador, Zeinab Harake ‘ma-attitude’ raw

Pauline del Rosario |June 18,2023
facebook
share this

Toni Fowler sinabihang ‘plastic’ si Rendon Labador, Zeinab Harake ‘ma-attitude’ raw

Pauline del Rosario - June 18, 2023 - 04:11 PM

Toni Fowler sinabihang ‘plastic’ si Rendon Labador, Zeinab Harake ‘ma-attitude’ raw

Toni Fowler, Rendon Labador, Zeinab Harake

TILA sumalang sa hot seat ang social media personality at vlogger na si Toni Fowler.

‘Yan ay matapos siyang makapanayam kamakailan lang ng dating alkalde at TV host na si Isko Moreno na ibinandera sa YouTube content na tinawag na “Iscovery Night.”

Sa serye ng mga katanungan ni Isko, nagkaroon ng rebelasyon ang socmed star patungkol sa ilang kapwa socmed influencer.

Ayon kay Toni, ang masasabi niyang pinaka plastic na influencer ay ang motivational speaker na si Rendon Labador.

Ipinaliwanag niya na matagal na niyang kakilala si Rendon at ito raw ay tunay na mabait na tao.

Pagbubunyag pa ni Toni, siya ang ninang ng anak ng nasabing socmed influencer.

“Siguro sa ngayon, ang masasabi kong pinaka plastik na influencer ngayon sa social media si Rendon Labador,” sey niya.

Chika pa niya, “Kasi hindi ko siya ganun na nakilala. Ninang ako ng babay niya and he’s portraying an image na hindi siya for the sake of fame and money, which is a flop and a failure.”

Baka Bet Mo: Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

“‘Yun ‘yung nakakalungkot doon,” dagdag niya.

Nakwento pa ni Toni na kahit siya ay hindi nakaligtas sa mga panglalait at masasamang salita na ibinabato ni Rendon.

“Kahit ‘nung MPL, marami rin siyang sinabi. Hindi siya ‘yun e. Kilala ko siya as mabait na tao,” sambit ng socmed personality.

Patuloy niya, “Masyado ka lang talagang nilamon ng sistema. So para sa akin, hindi ikaw ‘yan ‘yung pinapakita mong pangit na ikaw.”

“Naniniwala pa rin ako ‘yung nakita kong goodness in you na ikaw ‘yun. So plastic ka. Pinapakita mo lang ‘yun para lang kumita ka,” ani pa niya.

Kasunod nito ay tinukoy naman niyang pinaka ma-attitude na influencer si Zeinab Harake.

Nilinaw ni Toni na nagkaayos na sila mula sa naging pag-aaway, pero sa ngayon daw kasi ay wala pa raw siyang nakikitang iba pang influencer na ma-attitude.

“Siguro sa influencer – pero kasi ayos na kami. Pero kalat din naman na attitude si Zeinab Harake at nakaaway kasi kami dahil parang may screenshot na sinabihan niyang basura ‘yung family ko,” saad ni Toni.

Paliwanag niya, “So para sa akin, siya ‘yung nakikita ko na pinaka attitude, pero dahil nag-sorry na siya, parang goods na.”

“So far, wala pa akong nakikitang iba na umattitude din bukod sa kanya. Kasi doon lang naman ako sa kinakalaban ako,” ani pa niya.

Kung maaalala, nag-ugat ang pag-aaway ng dalawa matapos magsabi ng kanegahan si Zeinab sa ilang sikat na YouTubers.

Base sa mga screenshot na ibinahagi ng talent manager-businessman at vlogger na si Wilbert Tolentino ay kabilang si Toni at ang kanyang pamilya na sinabihang “trash” ni Zeinab.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julius Babao nagreklamo sa natanggap na order, dawit na pizza parlor naglabas ng official statement

‘Bridgerton’ star Regé-Jean Page ‘most handsome man in the world’, 2nd si Chris Hemsworth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending