‘Bridgerton’ star Regé-Jean Page ‘most handsome man in the world’, 2nd si Chris Hemsworth
SA pamamagitan ng siyensya at makabagong teknolohiya ay kaya nang matukoy ang perpektong mukha ng isang tao.
At dahil nga diyan ay tila nahanap na kung sino ang maituturing “most handsome in the world.”
Siya’y walang iba kundi ang British actor at bida sa sumikat na Netflix series na “Bridgerton” na si Regé-Jean Page.
Base sa digital face-mapping software na “Greek Golden Ratio” ay nakakuha ng score na 93.65% ang aktor.
“The 34-year-old British actor actor – Simon Basset, the Duke of Hastings in the hit Netflix series – was found to be 93.65% accurate to the Greek Golden Ratio of Beauty Phi – which measures physical perfection,” sey sa isang Instagram post.
View this post on Instagram
Ang pumangalawa naman sa pinakagwapo ay ang “Avengers” star na si Chris Hemsworth na may 93.53%, at ang sumunod ay ang “Black Panther” hunk na si Michael B Jordan na may 93.46%.
Bukod sa tatlong aktor, ang bumubuo sa Top 10 ng “most handsome in the world” ay sina Harry Styles, Jude Bellingham, Robert Pattinson, Chris Evans, George Clooney, Henry Golding at Dwayne Johnson.View this post on Instagram
Ang nasabing proseso ay pinangunahan ng British plastic surgeon na si Dr. Julian De Silva.
Ayon sa kanya, ang bagong pamamaraan na ito ay nakakatulong sa mga isinasagawa nilang plastic surgery para sa mga pasyenteng nais pang magpaganda.
Caption sa IG post, “These brand new computer mapping techniques allow us to solve some of the mysteries of what it is that makes someone physically beautiful and the technology is useful when planning patients’ surgery.”
View this post on Instagram
Related chika:
Chris Hemsworth tigil muna sa showbiz, natuklasang prone magka-Alzheimer’s disease
Julius Babao nagreklamo sa natanggap na order, dawit na pizza parlor naglabas ng official statement
Henry Cavill binansagang ‘Most Handsome Face’ sa mundo ngayong 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.