Dating Director dinedma-dedma ng dyowang baguhang aktres

Dating Director dinedma-dedma ng dyowang baguhang aktres, may iba palang karelasyon; Janine, Zanjoe ikinasal na sa ‘Dirty Linen’ 

Reggee Bonoan |June 16,2023
facebook
share this

Dating Director dinedma-dedma ng dyowang baguhang aktres, may iba palang karelasyon; Janine, Zanjoe ikinasal na sa ‘Dirty Linen’ 

Reggee Bonoan - June 16, 2023 - 06:47 PM

Dating Director dinedma-dedma ng dyowang baguhang aktres, may iba palang karelasyon; Janine, Zanjoe ikinasal na sa 'Dirty Linen' 

“MABUTI na lang at hindi pa nakabili ng bahay o condo, or else napunta sa iba,” ito ang kuwento ng aming source tungkol sa rating director/producer na hindi na aktibo ngayon.

Sobra raw kasing mapagbigay o generous ang rating direktor/producer sa mga taong mahal niya o nakaka-relasyon niya kaya dumating sa puntong nasaid ito tapos ang mga taong mahal niya ay hindi naman siya dinamayan bagkus ay iniwan pa siya.

“Nu’ng nagkasakit siya (direktor/producer) dedma naman si (karelasyon) hindi nga nagbabantay sa ospital kasi busy siya daming katwiran.

“Tapos nalaman namin nag-out of town kasama si (baguhang aktres) dyowa na pala niya.  Sinumbong namin kay (direktor/producer) niiyak lang,” Kuwento ng aming source.

Baka Bet Mo: So-so actress walang utang na loob, direktor/producer na nagbigay break sa kanya noon, hu u na ngayon?

Dagdag pa, “alam mo bang nag-away pa yang si (karelasyon ng direktor/producer) at ‘yung dyowa sa bar, naloka ang lahat kasi nagwawala si gurl as in, dami nga na-shock ganu’n pala siya kapag nakainom.  Nawala ‘yung pagka-inosente, ha, hahaha.”

Marami pang kuwento ang aming source tungkol sa dalawa na masyadong PDA sa mga bars na napupuntahan nila.

“Panay ang bar hopping, tapos pera naman ni (direktor/producer) ang ginagastos. Ewan kung alam ni gurl kung saan galing ang datung ng dyowa niya, e, wala namang work ha, hahaha,” natawang sabi pa.

Sa kasalukuyan ay nanahimik na ang direktor/producer at ayaw na niyang marinig ang pangalan ng karelasyon dahil hindi na raw ito nage-exist sa kamalayan niya.

***

Isa na ring Fiero si Mila (Janine Gutierrez) pagkatapos niyang magpakasal kay Aidan (Zanjoe Marudo) sa isang simpleng civil wedding sa “Dirty Linen,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sikretong nagpakasal sina Mila at Aidan dahil hanggang ngayon ay kontra pa rin ang pamilya Fiero sa relasyon ng dalawa, kahit wala pa rin silang kaalam-alam sa planong paghihiganti ni Mila.

Ngayon na opisyal nang parte ng pamilya si Mila, mas madali na niyang maisasakatuparan ang paghihiganti niya laban sa mga Fiero. Subalit, hindi pwedeng magpadalos-dalos si Mila sa kanyang mga plano lalo na’t gigil na gigil siya ngayon. Nalaman kasi ng kanyang mga kasabwat na sinunog ng mga Fiero ang buto ng mga katawan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sasagarin na rin ni Mila ang paniningil niya ng hustisya dahil may hawak siyang malakas na ebidensya na magdidiin sa mga krimen ng pamilya Fiero sa tulong ni Police Inspector Lemuel Onore (JC Santos).

Magtatagumpay na kaya si Mila at maibubulgar ang lahat ng mga krimen ng pamilya Fiero?

Noong Mayo, gumawa ng panibagong online record ang “Dirty Linen” na nakakuha ng 149,410 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Nakapagtala rin ito ng pinagsama-samang higit isang bilyong online views sa YouTube, Facebook, TikTok, Instagram, Twitter, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Huwag palampasin ang “Dirty Linen” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Dirty Linen.”

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Arcilla ‘pumanaw’ na sa ‘Dirty Linen’, sigaw ng netizens: ‘GAADDAAAMMIIITT’

Mga taong malapit kay Cristine botong-boto kay Marco: ‘Deserve niya ang lalaking paninindigan siya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending