Mga taong malapit kay Cristine botong-boto kay Marco: 'Deserve niya ang lalaking paninindigan siya' | Bandera

Mga taong malapit kay Cristine botong-boto kay Marco: ‘Deserve niya ang lalaking paninindigan siya’

Reggee Bonoan |May 03,2023
facebook
share this

Mga taong malapit kay Cristine botong-boto kay Marco: ‘Deserve niya ang lalaking paninindigan siya’

Reggee Bonoan - May 03, 2023 - 02:36 PM

Mga taong malapit kay Cristine botong-boto kay Marco: 'Deserve niya ang lalaking paninindigan siya'

MAY mga nakatsikahan kaming naging parte ng buhay ni Cristine Reyes at masaya sila para sa aktres sa relasyon nito kay Marco Gumabao.

Masaya dahil pagkalipas ng ilang taong pagiging single simula nang mahiwalay sa asawang si Ali Khatibi ay nakatagpo na siya ng lalaking magmamahal sa kanya at sana for good na.

“Deserve naman ni AA (palayaw ni Cristine) na sumaya after all ng nangyari sa marriage niya. Wala tayong narinig sa kanya simula nang mahiwalay siya sa asawa niya puro lang siya work nang work para mabigyan ng magandang buhay si Amarah.

“Boto naman ang lahat sa kanila ni Marco na matagal ding single kaya bagay sila at sana maging maayos ang relasyon nila. AA deserves a man na kaya siyang tindigan at maintindihan siya,” ang palitang pahayag ng dalawang taong naging malapit sa aktres.

Dagdag pa, “Noon kasi pabigla-biglang mag-isip si AA kapag gusto, gusto, pag ayaw-ayaw. Ngayon hindi na.”

Natanong namin kung may matatawag bang “the one that got away” o TOTGA si Cristine.

“Ha-hahaha! Siya ang dapat mong tanungin. Kung meron man hindi na importante ‘yun dahil as long as masaya sila ni Marco baka si talaga ang destiny,” masayang sagot ng isa sa taong naging malapit sa aktres.

Baka Bet Mo:

Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

* * *

Labasan na ng mga baho! Doble-doble na ang mga makapigil-hiningang mga eksena at pasabog na rebelasyon sa pagsisimula ng bagong kabanata ng “Dirty Linen” na tiyak na magpapataas ng dugo ng mga manonood pagkatapos magtrending sa social media ang trailer at official poster para sa season two.

Ipinasilip sa trailer kung paano tuluyang mabibilog ni Mila (Janine Gutierrez) ang ulo ni Aidan (Zanjoe Marudo) at ang magiging epekto ng kanilang pag-iibigan sa kani-kanilang mga pamilya.

Una, matitikman ni Mila ang paghasik ng lagim ng mga Fiero dahil gagawin nitong bihag si Lala (Jennica Garcia), ang kasabwat ni Mila sa pagpapabagsak sa makapangyarihang pamilya.

Dahil dito, nanganganib na malantad ang totoong katauhan ni Mila nang komprontahin ito ni Aidan sa rebelasyong si Mila pala ang anak ni Olivia (Dolly de Leon) – ang yaya ng mga Fiero na binaril sa kanilang mansyon ng isang hindi pa ring nakikilalang tao.

Madidiskaril din ang mga Fiero dahil unti-unting guguho ang kanilang reputasyon at mga negosyo, pati na rin ang relasyon nila sa isa’t isa.

Posible kasing mawasak ang samahan ni Aidan at ang kapatid niyang si Chiara (Francine Diaz) dahil sisisihin nito ang kuya niya sa lahat ng kanilang mga problema. Mababaliw naman sa selos si Carlos (John Arcilla) dahil pakiramdam niyang nanlalalaki na naman ang misis niyang si Leona (Janice de Belen).

Dapat ding abangan ng viewers ang mga susunod na planong paghihiganti ni Mila, kasama ang mga kasabwat niyang sina Lala, Abe (Joel Torre), at Max (Christian Bables), dahil itotodo na nila ang paniningil ng hustisya sa pamilya Fiero at ipaparamdam na nila ang bagsik ng kanilang galit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

Halikan nina Janine at Zanjoe sa ‘Dirty Linen’ trending: ‘Ang lakas maka-KDrama, kakabitin!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending