Vice, Ion nag-lips-to-lips sa harap ng madlang pipol, nag-dirty finger sa concert: 'Let’s just continue to love so loud and proud!' | Bandera

Vice, Ion nag-lips-to-lips sa harap ng madlang pipol, nag-dirty finger sa concert: ‘Let’s just continue to love so loud and proud!’

Ervin Santiago |June 04,2023
facebook
share this

Vice, Ion nag-lips-to-lips sa harap ng madlang pipol, nag-dirty finger sa concert: ‘Let’s just continue to love so loud and proud!’

Ervin Santiago - June 04, 2023 - 07:22 AM

Vice, Ion nag-lips-to-lips sa harap ng madlang pipol, nag-dirty finger sa concert: 'Let’s just continue to love so loud and proud!'

Vice Ganda at Ion Perez (Photos from Twitter)

MAGKAKAIBA ang naging reaksyon ng netizens sa mga viral photo at video sa social media ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Hanggang ngayon ay hot topic pa rin ng mga Marites all over the universe, kabilang na ang mga moralista, ang paghahalikan nina Vice at Ion with matching “dirty finger” pa.

May mga natuwa, na-inspire, na-shock, at na-turn off sa “kissing scene” ng “It’s Showtime” hosts sa comedy-concert ni Vice na “Your Memejesty Queen VG” sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City last June 2.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Base sa video na ibinahagi ng host at writer na si Darla Sauler sa Twitter at TikTok makikita na sa isang bahagi ng show, naka-join ng Phenomenal Box-Office Star si Ion.

Pagkatapos ng kanyang pasabog na performance, nagbigay siya ng matapang na message para sa kanyang partner.

“Let’s not f*cking care, what you are, what I am and what we have is just so amazingly beautiful. So let’s not be bothered by their noise.

Baka Bet Mo: Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

“Let them drown in their own voice. Let’s just continue to love so loud and proud,” sabi niya, na tamang-tama sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo,” simulang pahayag ni Vice Ganda.

Pagpapatuloy pa ng TV host-comedian, “Whatever happens, wherever it takes, at the end of the day, love wins.” Sinagot naman siya ni Ion ng, “I love you!”

Kasunod nga nito, hinalikan ni Vice sa lips si Ion. At habang magkadikit ang mga labi ng magdyowa, sabay nilang itinaas ang kanilang mga kamay at nag-dirty finger sa audience, na para daw sa mga taong patuloy silang binabastos at bina-bash.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Palakpakan at hiyawan naman ang mga taong nasa Araneta Coliseum kabilang na ang kaibigan nina Vice at Ion at kasamahan sa “It’s Showtime” na si Anne Curtis.

Super happy naman si Vice dahil sa tagumpay ng kanyang concert, “Naiyak ako! 10th Araneta concert na punong-puno. I am so blessed.

“Hindi lahat nakakapag-ten Araneta concerts di ba? Maraming, maraming, maraming salamat. My heart is full of joy. I am overwhelmed tonight,” ang mensahe ni Vice sa opening ng kanyang concert.

Sa simula pa lang ng show ay nagbigay na siya ng warning na super far ang “Your Memejesty Queen VG” sa mga concerts nina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

“Hindi ito pangkaraniwang concert na yung bida kakanta tapos magsasalita ng konti, tapos kakanta na naman, tapos iiyak ng konti tapos kakanta na naman. Hindi po ako ganu’n.

“Si Regine po yun. Hindi rin po ako yung nagko-concert tapos kakanta, mananalangin, tapos kakanta, tapos magsasalita ng words of wisdom si Gary V po yun. Hindi po ako ganu’n,” hirit pa ni Vice.

“Ang show po ngayong gabi ay rated SSSSSSPG – Super, Super, Super, Sobra, Sobrang Strict na Parental Guidance.

“Sa mga hindi handa, sa mga conservative, sa mga very sensitive, sa mga politically correct, sa mga balat-sibuyas binibigyan ko kayo ng 10 segundo para tumayo at para mag-refund,” ang nakakalokang biro pa ni Vice Ganda.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa kontrobersyal “statement” nina Vice at Ion na pinaniniwalaang ginawa rin nila bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng Pride Month.

“Congratulations meme vice at daddy ion proud na proud ako sa inyo dahil pinakita niyo sa marami tao nag halikan kayo sa lips mahal na mahal ko kayo.”

“Ok na  ako meme nasaktan lang ako sa sign ng kamay.”

“Naiiyak ako subra nakita kona pinakamatagal kong hinhintay.”

“Anuyan puta naka fuck you pa.style.”

“Wow sweet naman ni ion soper soport Kay meme vice.”

“Meme Vice normalizing LGBT love to a big crowd even in national tv. So powerful, Thank you meme!”

“Kung noon patago, ngayon napakalaya na ng dalawang ‘to. I’m so happy for these two!”

“Love has no boundaries talaga. Let’s keep on loving, share positivity, and happiness. So proud of you meme.”

“Sobrang deserve nila ang isa’t isa. Happy pride month indeed! Love wins talaga.”

Anne inasar-asar ni Vice dahil sa viral ‘irap at taas-kilay’ video: Kung ako siguro ang gumawa nu’n, na-bash na ‘ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending