Vice Ganda sa pinakamamahal na ina: 'Bago siya matulog kailangang makita ko muna 'yung mukha niyang walang pustiso' | Bandera

Vice Ganda sa pinakamamahal na ina: ‘Bago siya matulog kailangang makita ko muna ‘yung mukha niyang walang pustiso’

Ervin Santiago |June 01,2023
facebook
share this

Vice Ganda sa pinakamamahal na ina: ‘Bago siya matulog kailangang makita ko muna ‘yung mukha niyang walang pustiso’

Ervin Santiago - June 01, 2023 - 07:31 AM

Vice Ganda sa pinakamamahal na ina: 'Bago siya matulog kailangang makita ko muna 'yung mukha niyang walang pustiso'

Vice Ganda at Rosario Viceral

MAY isang mukha raw na kailangang makita ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda tuwing sasapit ang gabi.

Yan ay walang iba kundi ang face ng pinakamamahal niyang inang si Nanay Rosario.

Sabi ni Vice, ibang happiness at comfort ang nararamdaman niya kapag nasisilayan ang mukha ng kanyang nanay lalo na kapag nakakausap at nakakakuwentuhan niya ito.

“Every night tumatawag talaga siya, every night nag-uusap kami sa telepono. Bago siya matulog kailangan makita ko muna ‘yung mukha niyang walang pustiso,” ang birong pahayag ng TV host-comedian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Dagdag pang chika ng Unkabogable Star, “Kaligayahan ko ‘yun eh, tsaka ‘yan ‘yung mukhang gusto kong nakikita every night. Kapag tumawag ka (Nanay Rosario), ang laking awas nu’n sa nararamdaman ko.”

Gustung-gusto rin ni Vice kapag sinasabi sa kanya ng ina na magkita sila para makapag-bonding at makapagchikahan nang bonggang-bongga.

Baka Bet Mo: Pangarap ni Zeinab Harake na makita’t mayakap si Marian Rivera natupad na; na-starstruck sa DongYan

“I really appreciate everytime na may ganyan kang mga arte. Gusto ko siyang makasama, gusto ko siyang makausap.

“Sobra ko ‘yong naa-appreciate kasi doon ko ‘yun nare-realize na ‘yung value mo as a person.

“Sa gulo ng mga nangyayari sa paligid, meron at merong isang tao ikaw pa rin ‘yung gusto niyang makita at saka makasama,” chika pa ni Meme Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Samantala, nagbahagi rin ng kanyang saloobin ang kapatid ni Vice na si Marivic Viceral tungkol sa relasyon ngayon ng kanilang pamilya.

“Si Vice, wala naman na siyang iintindihin sa amin. Naiintindihan namin palagi ‘yun oras niya whether mahaba o maikli lang ‘yung i-spend niya sa amin.

“Basta nakikita namin siya from time to time masaya na kami roon. Mababaw lang ang family namin, ‘yung makita lang namin ‘yung isa’t isa na masaya, masaya na ako roon.

“Kapag may edad ka na pala ‘yun aanuhin mo na lang is ‘pag masaya sila, masaya na rin ako.

“From time to time ite-text ko siya, ‘Meme, ano gawa mo? Good night.’ Basta kailangan kong mag-I love you pag ma-text ko siya,” sabi pa ng sisteraka ni Vice Ganda.

Hirit pa nito, “Minsan siguro talagang busy, matagal bago sumagot. ‘Yung makita ko lang na ‘I love you too’ malaking bagay na sa akin bilang kapatid.”

Diego kailangang umakting nang bongga sa ‘Maid In Malacañang’: Dapat lang na galingan ko talaga dahil kung hindi, nakakahiya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine nag-mall show sa Pampanga, isang fan biglang umiyak sa stage, anyare?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending