Diego kailangang umakting nang bongga sa 'Maid In Malacañang': Dapat lang na galingan ko talaga dahil kung hindi, nakakahiya! | Bandera

Diego kailangang umakting nang bongga sa ‘Maid In Malacañang’: Dapat lang na galingan ko talaga dahil kung hindi, nakakahiya!

Ervin Santiago |July 07,2022
facebook
share this

Diego kailangang umakting nang bongga sa ‘Maid In Malacañang’: Dapat lang na galingan ko talaga dahil kung hindi, nakakahiya!

Ervin Santiago - July 07, 2022 - 07:46 AM

Diego Loyzaga

KAILANGANG mapatunayan ni Diego Loyzaga na tama ang naging desisyon ni Boss Vic del Rosario na siya ang kunin para gumanap na Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kontrobersyal na pelikulang “Maid In Malacañang.”

Kaya naman talagang kinarir ng hunk actor ang paghahanda sa kanyang role na itinuturing niyang pinaka-challenging na ginawa niya bilang aktor.

In fairness naman kay Diego, isa siya ngayon sa pinaka-busy na aktor dahil sunud-sunod ang mga projects niya sa Vivamax.

Bukod sa “Maid In Malacañang”, dalawang pelikula na ang natapos niya — ang “How to Love Mr. Heartache” kasama si Sue Ramirez at ang “Babaeng Nawawala sa Sarili” kung saan katambal naman niya ang Vivamax bombshell na si Ayanna Misola.

Ayon kay Diego, bukod sa super controversial ng kuwento “Maid In Malacañang”, doble rin ang pressure na nararamdaman niya dahil sa kauna-unahang pagkakataon, makakatrabaho niya ang amang si Cesar Montano na siyang gaganap bilang si late President Ferdinand Marcos, Sr..

“This has been a long time coming and I think everything happens for a reason. I’ve really been waiting for this moment and now, it’s happening, I finally get to work with my dad and it’s sobrang nakakakaba kasi we all know he has already won so many acting awards.

“Siyempre I have be on my toes and always give my best,” sabi ni Diego.

View this post on Instagram

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)


“We are both excited, kaming dalawa. I look forward to it kasi lagi kaming magkakasama. And this is not for a small platform like streaming kasi the movie will be shown in theaters,” dagdag pang chika ng anak nina Cesar at Teresa Loyzaga.

Sey pa ni Diego, “Imagine, he will play the late president and I will play our current president now. Kaya patong-patong ang pressure.

“It’s not just I’m working with my dad, it’s also the first time for me to play a real life character, of a very important man, the president of our country at the moment.

“So talagang it’s a very big deal! I feel the pressure but I welcome the challenge.

“If there is any time that I’m given the opportunity to prove myself as an actor, this would be it, so dapat lang na galingan ko talaga kasi kung hindi, nakakahiya!” natatawang kuwento pa ng hunk actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin niya rito sina Ruffa Gutierrez as Imelda Marcos, Cristine Reyes bilang Imee Marcos at Ella Cruz as Irene Marcos. Ang “Maid In Malacañang” ay sa direksyon ni Darryl Yap.

Diego patung-patong na pressure ang napi-feel sa pagganap bilang BBM; Cesar ‘great blessing’ ang pagbibida sa ‘Maid In Malacañang’

Cast ng ‘Maid In Malacañang’ pumirma ng ‘NDA’ bago sumabak sa shooting; Darryl Yap nakiusap sa media, vloggers

Respeto ang hiling ni Kylie sa publiko sa desisyon nila ni Aljur na maghiwalay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending