Joey de Leon may bonggang rebelasyon tungkol sa nanay ni Rhian Ramos: 'Noong bata, naku, crush ko 'yan!' | Bandera

Joey de Leon may bonggang rebelasyon tungkol sa nanay ni Rhian Ramos: ‘Noong bata, naku, crush ko ‘yan!’

Ervin Santiago |May 23,2023
facebook
share this

Joey de Leon may bonggang rebelasyon tungkol sa nanay ni Rhian Ramos: ‘Noong bata, naku, crush ko ‘yan!’

Ervin Santiago - May 23, 2023 - 07:03 AM

Joey de Leon may bonggang rebelasyon tungkol sa nanay ni Rhian Ramos: 'Noong bata, naku, crush ko 'yan!'

Joey de Leon, Rhian Ramos at Lay Ramos

MAY bonggang rebelasyon ang veteran TV host at movie icon na si Joey de Leon tungkol sa nanay ng Kapuso actress-model na si Rhian Ramos.

Isa kasi sa mga choices ang mommy ni Rhian sa “Bawal Judgmental” segment ng longest-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga” at dito nga sila uli nagkita ni Joey.

Inamin ng tinaguriang Henyo Master on national television na crush daw niya si Clara Ramos o Lay noong kanilang kabataan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


Sa nasabing episode ng “Bawal Judgmental” tampok ang mga nanay ng mga kilalang celebrities na naging bokalista ng banda. Kuwento ng mommy ni Rhian, naging vocalist siya ng bandang ZZYZX.

“Actually I was with several bands. May R&B, ZZYZX it was funk rock-new wave. ZZYZX was the most fun kasi one of our songs became part of the soundtrack of the movie Bagets,” chika ni Lay na ang tinutukoy ay ang classic youth-oriented movie nina Aga Muhlach, Herbert Bautista at William Martinez.

Baka Bet Mo: Lolit Solis hiling ang maayos na private life para kay Rhian Ramos

Habang nagkukuwento ang nanay ni Rhian, naalala ni Joey nag-guest din daw noon ang banda ni Lay sa comedy show nila noon na “Iskul Bukol” kung saan nagbida rin sina Tito Sotto at Vic Sotto.

“’Di ba nag-guest kayo sa Iskul Bukol noong araw?” ang tanong ni Joey kay Lay.

“Oo, you remember! Yes,” mabilis na sagot ni Lay.

“Ang galing naman ng memorya ni Joey. May Rhian na ba noon nang magkita kayo?” ang baling na tanong naman ni Allan K kay Lay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)


Tugon ng dating band vocalist, wala pa siyang asawa’t anak noong panahong tumutugtog at kumakanta sila. Single pa rin siya noong mag-guest sila sa “Iskul Bukol”.

Biglang hirit naman ni Joey, “Noong bata… Naku crush ko ‘yan.”

Samantala, chika naman ng mga Sabarkads na sina Jose Manalo at Wally Bayola, malaki rin daw ang pagkakahawig nina Lay at Rhian.

Biro pa ni Wally kay Kay, “Mas maganda po kayo kasi kayo ang original.” Na sinagot naman nito ng, “O, thank you, thank you! Hi Rhian, did you hear that?”

Sinundan ito ng tawanan ng mga Dabarkads sa loob ng studio.

Nang tanungin naman tungkol sa mundo ngayon ng mga banda at kung ano ang mga nagbago sa takbo ng showbiz, “Showbiz has been the same since before.

“Pero ‘yung talagang uso lang, ‘yung trends, siguro ngayon, it’s much, much more accessible now kung ano ang gagawin mo,” pahayag pa ng nanay ni Rhian.

Willie, Ai Ai may lovelife advice kay Rhian: Mas OK na magkaroon ka rin ng sariling pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rhian Ramos may bagong dyowa na, rumampa sa GMA Gala Night kasama si Sam Verzosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending