Willie, Ai Ai may lovelife advice kay Rhian: Mas OK na magkaroon ka rin ng sariling pamilya | Bandera

Willie, Ai Ai may lovelife advice kay Rhian: Mas OK na magkaroon ka rin ng sariling pamilya

Ervin Santiago |May 20,2021
facebook
share this

Willie, Ai Ai may lovelife advice kay Rhian: Mas OK na magkaroon ka rin ng sariling pamilya

Ervin Santiago - May 20, 2021 - 09:48 AM

BINIGYAN ng payo nina Willie Revillame at Ai Ai delas Alas ang Kapuso actress na si Rhian Ramos tungkol sa pakikipagrelasyon at buhay-pag-ibig.

Sa nakaraang episode ng “Wowowin”, natanong ni Willie kung kumusta na ang lovelife ni Rhian na  nagsilbi ngang guest co-host sa “Tutok to Win” kasama si Ai Ai.

Ayon sa dalaga, happy naman daw siya sa kanyang buhay ngayon kahit na single siya. Aniya, matapos makipag-break sa dati niyang boyfriend na foreigner nadiskubre niya ang tunay na meaning ng self-love.

“Parang I found myself. Nahanap ko ang sarili ko,” simulang sagot ni Rhian kay Willie.

“Naisip ko lang na despite ‘yung parang ang dami-daming nangyari sa ating lahat this whole year pati na rin last year, at least, nagkaroon din ng katahimikan para makapag-isip-isip and wala, parang mas nakilala ko din sarili ko,” aniya pa.

“Tapos, na-realize ko na nahanap ko na ‘yung iisang tao na makapagbibigay sa akin ng lahat ng gusto ko in life, and ako ‘yun,” dagdag pa niyang paliwanag.

Agree naman ang Comedy Queen sa mga sinabi ni Rhia, “Sabi nga nila, ‘Paano ka makakapagbigay ng pagmamahal kung hindi mo mahal ang sarili mo.’”

Sey pa ni Ai Ai na super happy ang married life with husband Gerald Sibayan, darating din ang tamang panahon at matatagpuan ni Rhian ang lalaking itinakda para sa kanya.

Para naman kay Willie, tama ang naging desisyon ni Rhian na i-enjoy muna ang pagiging single dahil bata pa naman ang aktres at marami pang pwedeng mangyari sa buhay niya.

Pero aniya, mas okay pa rin na magkaroon siya ng sariling pamilya in the future para may makasama rin siya sa kanyang pagtanda.

Sey ng “Wowowin” host, “You have to build a family in the future. Kailangan meron kang family.

“Kasi alam mo, siyempre, kapag meron kang pamilya, kapag malungkot ka, may problema ka, may sakit ka, ‘yun ‘yung mag-aaruga sa ‘yo,” paalala pa ni Willie sa Kapuso actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang panayam kay Rhian, inamin niyang dumaan din siya sa depresyon matapos mabigo sa pag-ibig ngunit hindi raw siya nagpatalo sa sakit na naramdaman hanggang sa unti-unti siyang naka-move on at nakabangon uli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending