Lolit Solis hiling ang maayos na private life para kay Rhian Ramos | Bandera

Lolit Solis hiling ang maayos na private life para kay Rhian Ramos

Therese Arceo |January 03,2023
facebook
share this

Lolit Solis hiling ang maayos na private life para kay Rhian Ramos

Therese Arceo - January 03, 2023 - 05:58 PM

Lolit Solis hiling ang maayos na private life para kay Rhian Ramos
HANGAD ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang kaligayahan ng aktres at kanyang alagang si Rhian Ramos.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang mensahe para sa aktres.

“Isang star na talagang gustong gusto ko lumigaya Salve si Rhian Ramos. Napakabait, sincere at very talented. Sana naman maging maayos ang kanyang private life at talagang matagpuan na niya ang happiness na hinahanap at para sa kanya,” saad ni Manay Lolit.

Matatandaang bali-balita ang diumano’y hindi magandang takbo ng relasyon ng aktres sa boyfriend nitong businessman na si Sam Versoza ngunit wala pa namang kumpirmasyon mula sa dalawa ukol sa isyung ito.

Chika pa ni Lolit, “Hindi ambisyosa si Rhian kaya ok na sa kanya kung nasaan siya. Hindi siya competitive at hindi rin tulad ng ibang artista na talagang ang goal eh mapunta sa itaas.”

Aniya, basta raw gusto ng dalaga ang kanyang ginagawa ay okay ito at tahimik lang sa anuman ang nangyayari sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Dagdag pa niya, “Hindi siya kagaya ng ibang artista na talagang gagawin ang lahat para lang sumikat at manatiling sikat.”

Sey pa ni Lolit, kampante lang ang aktres at tiwala lang sa kung ano man ang plano sa kanya ng home network.

“Palagay ko naman nakikita nila na loyal at talented si Rhian Ramos , at naghihintay lang sila ng tamang panahon.

“Rhian Ramos is one person worth all the love and effort. Love you Rhian,” hirit pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Rhian super mumog ng mouthwash bago makipaglaplapan; tinotoo ang ‘fight scenes’ nila ni Kris

Rhian Ramos may bagong dyowa na, rumampa sa GMA Gala Night kasama si Sam Verzosa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryzza Mae Dizon wala raw ‘utang na loob’, hindi nagpasalamat kay Lolit Solis

Health hugot ni Lolit Solis: Hirap magkasakit!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending