Health hugot ni Lolit Solis: Hirap magkasakit! | Bandera

Health hugot ni Lolit Solis: Hirap magkasakit!

Therese Arceo |August 31,2022
facebook
share this

Health hugot ni Lolit Solis: Hirap magkasakit!

Therese Arceo - August 31, 2022 - 03:15 PM

Health hugot ni Lolit Solis: Hirap magkasakit!
NAGBAHAGI ang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis patungkol sa estado ng kanyang gamutan.

Nitong Miyerkules, Agosto 31, nagkuwento siya patungkol sa kanyang dialysis.

“Alam mo ba Salve na ang dialysis ay hindi preventive kundi para ma prolong ang life mo. Meron bad at good day sa dialysis sessions kaya iba iba ang feeling mo pag natapos ang treatment na ito,” pagbabahagi ni Manay Lolit.

Aniya, may mga pagkakataon daw na pakiramdam niya ay energized siya at meron rin namang feeling light siya. Mayroon rin daw mga pagkakataon na down siya at feeling niya nanghihina siya.

“Basta hanggang ngayon ang hindi nawawala sa akin iyon feeling na irritated ako,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.

Curious pa nga niya kung bakit para sa iba ay parang ang ganda ng acceptance at ang saya habang nagda dialysis.

Ikinuwento pa ni Manay Lolit na minsan ay nakaramdam siya ng kalungkutan at galit nang makakita siya ng matandang lalaki na mag-isang nagpapa-dialysis dahil daw walang makakasama rito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Parang very pathetic, gusto mo pang ma prolong ang life mo samantalang now pa lang wala ng oras para sa iyo mga kasama mo sa buhay.

“Alam ko na marami sa mga friends ko nagdarasal para gumaling ako, like si Ed de Leon, salamat sa dasal,” chika ni Manay Lolit.

Sey pa niya sino nga bang tao ang ayaw mabuhay at sino bang maysakit ang ayaw gumaling.

Hirit pa ni Manay Lolit, “Pero iyon acceptance ng kung ano dumating sa iyo isa din malaking bagay para maging magaan ang pagtanggap mo. Lahat ng bagay na nangyayari wala sa iyo ang sagot, nasa kamay ni God. Kaya tanggapin natin ng walang question.”

Aniya, isang bagay lang daw ang dapat huwag mawawala at ito nga ang tiwala nito sa Panginoon na sa lahat ay alam nito ang sagot.

“Na kung anuman ibinigay niya sa iyo alam niya na kakayanin mo. So tanggap ko ang sakit ko, at tanggap ko kung anuman ang kapalaran ko,” pag-amin ni Manay Lolit:

Pagkukwento niya, tatlo tatlo raw ang kanyang mga doktor at dalawang beses naman ang kanyang dialysis session sa isang linggo.

Hiling pa ni Manay Lolit, “Talaga lang hirap magkasakit, kaya please, sana gumaling na ako. Please.”

Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Doris Bigornia: BFF ko na ngayon ang dialysis, ito ang sumasalba sa buhay ko…

Wish ni Lolit Solis kay Kris: Sana nga si Mel Sarmiento na ang forever niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending