Wish ni Lolit Solis kay Kris: Sana nga si Mel Sarmiento na ang forever niya! | Bandera

Wish ni Lolit Solis kay Kris: Sana nga si Mel Sarmiento na ang forever niya!

Therese Arceo |November 23,2021
facebook
share this

Wish ni Lolit Solis kay Kris: Sana nga si Mel Sarmiento na ang forever niya!

Therese Arceo - November 23, 2021 - 06:03 PM

Wish ni Lolit Solis kay Kris: Sana nga si Mel Sarmiento na ang forever niya!

NAG-REACT ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis patungkol sa kumakalat na isyu sa pagitan ni Kris Aquino at Herbert Bautista.

Ito ay matapos diumano’y ungkatin ni Herbert na kasalukuyang tatakbo lang senador sa eleksyon 2022 ang nakaraan nila ni Kris.

Matatandaang nagsimula ang isyu matapos i-quote tweet ni Herbert ang tweet ni presidential candidate Ping Lacson patungkol na patungkol sa pagpo-propose.

Aniya, ready na raw sana siyang mag-propose sa isang babae ngunit nahuli na siya dahil may iba nang napiling papakasalan ang babae.

Wala mang direktang pangalan na binanggit ay halata namang si Kris ang tinutukoy nito.

“Talagang kahit gusto ni Kris Aquino na quiet life niya, hindi pa rin nangyayari,” umpisa ni Manay Lolit.

“Natawa ako sa bagong ‘issue’ nila ni Herbert Bautista na talagang dahil walang news, lahat ng tabloid ito ang frontpage. Kung iisipin mo, isang maliit na bagay na hindi papansinin, pero dahil Kris Aquino nga, big deal.

Ani Manay Lolit, kahit pa malayo na sa limelight si Kris ay talaga namang malaking balita pa rin kapag nasasangkot ang pangaln niya sa isyu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


“Newsmaker pa rin talaga si Kris kahit pa nga away from the limelight siya. Buking tuloy na malapit na silang ikasal ni Papa Mel Babe, na magso solo na si Bimby sa isang unit, at suwerte naman at nagtagal si Kris kung saan sila nakatira ngayon.”

Kuwento pa ni Manay Lolit, hobby na raw kasi ni Kris ang palipat-lipat raw kasi ng tinitirhan kaya siguro ay good vibes ang kasalukuyang tinitirhan ni Kris dahil matagal na ang aktres doon kasama ang anak na si Bimby na nasa ibang unit naman.

Going back sa isyu, naniniwala raw siya na walang ibang kulay ang pagkakabanggit ni Herbert sa kanilang nakaraan ngunit mas maganda raw kung maaga pa lang ay maayos na ang isyu sa pagitan ng dalawa.

“Wala naman siguro ibang kulay iyon pagkaka banggit ni Herbert , pero maganda na rin na maaga pa inayos na para hindi maulit. Tutoo naman sinabi ni Papa Mel Babe, very ungentleman na magsalita tungkol sa past relationship, lalo pa nga at malapit ng ikasal ang isa.”

Hiling naman ni Manay Lolit na sana ay si dating DILG Sec. Mel Senen Sarmiento na talaga ang forever ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bongga si Kris ha, inaabangan ang wedding niya kahit pa nga sabi niya ay magiging very simple at walang funfare. Happy for Kris, at sana nga ito na ang kanyang forever, ang Papa Mel Babe Senen niya. Congrats.”

Related Chika:
Kris pumalag kay Herbert: Sana wag mo na lang baguhin ang kwento
Herbert Baustista may patama kay Kris; Mel Sarmiento ‘di napigilang magsalita
Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending