Lotlot, Matet ipinaramdam ang pagmamahal kay Ate Guy sa pagdiriwang nito ng 70th birthday
SIGURADONG super happy ang nag-iisang Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa kanyang 70th birthday celebration ngayong araw, May 21.
Balitang kumpleto ang mga anak ni Ate Guy sa naganap na selebrasyon para sa kanyang kaarawan kagabi na dinaluhan din ng malalapit na kapamilya at kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz.
Present ang limang anak ng award-winning veteran actress na sina Lotlot, Ian, Kiko, Matet at Kenneth de Leon sa nasabing party kasama pa ang kani-kanilang mga anak.
View this post on Instagram
Sa kanilang Instagram account, nag-post sina Lotlot at Matet ng magkaparehong family photo na kuha sa birthday celebration ni Ate Guy kagabi na ginanap sa Seda Vertis North sa Quezon City.
Ang maikling caption ni Lotlot sa kanyang IG post ay, “Happy Birthday, Ma!” Halos ganu’n din ang mensahe ni Matet sa inilagay niyang caption sa kanilang litrato.
Sa naganap na party naman ni Ate Guy nangako si Lotlot na, “Mamahalin kita hanggang kailanman.”
Baka Bet Mo: Lotlot sa nagsabing napakatigas ng puso niya kay Ate Guy: Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo?
Patunay lamang ito na talagang okay na okay na ang relasyon ng Superstar sa kanyang mga anak na ikinatuwa naman ng mga Noranians at iba pang taong nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa movie icon.
Kung matatandaan, nitong nagdaang February, 2023, nagbahagi si Nora sa “Fast Talk with Boy Abunda” ng ilang detalye about her personal life kabilang na ang pagkamatay niya sa loob ng tatlong minuto.
“Hindi ko alam kung puwede kong sabihin, kasi, namatay na ako ng three minutes. Itong mga nakaraan lang, ewan ko, ngayon ko lang sasabihin ito.
“Kasi ang nangyari noon, ‘di ba noong nagkakasakit ako, lalabas ako ng gabi sa ospital, madaling araw dadalhin na naman ako pabalik sa ospital.
View this post on Instagram
“So may insidente na sabi ko sa kasama ko, ‘halika na, kasi bumababa na ang oxygen sa katawan ko.’ So takbo na naman kami sa ospital.
“Pagpunta namin sa ospital, sabi ko, ‘Oxygen lang po ang kailangan ko.’ Ang nangyari, hindi ko alam, walang tumulong sa akin.
“Hindi minadali na lagyan ako ng oxygen. Ang nangyari, humiga ako, pagkahiga ko (nawalan ng malay). Pagkagising ko, nandoon na ako sa ICU,” pagbabahagi ni Ate Guy.
“Ang sabi nga sa akin, ang suwerte mo mahal ka ng Diyos. Sabi niya, kasi binalik ka uli. Siguro ang misyon mo, hindi pa tapos. Meron ka pang dapat na gawin sa mundo. ‘Yun lang ang laging sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko,” sabi pa ng nag-iisang Superstar.
Cristy Fermin pinayuhan si Nora at ang 5 anak na manood ng ‘Family Matters’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.