Lotlot sa nagsabing napakatigas ng puso niya kay Ate Guy: Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo? | Bandera

Lotlot sa nagsabing napakatigas ng puso niya kay Ate Guy: Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo?

Ervin Santiago |January 16,2022
facebook
share this

Lotlot sa nagsabing napakatigas ng puso niya kay Ate Guy: Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo?

Ervin Santiago - January 16, 2022 - 08:13 AM

Lotlot de Leon, Nora Aunor at Janine Gutierrez

SINABIHAN ng isang netizen ang aktres na si Lotlot de Leon na “matigas ang puso” dahil sa hindi nito pagdalaw sa kanyang inang Superstar na si Nora Aunor.

Nag-ugat ito sa lumabas na balitang tanging siya lang ang wala sa mga anak ni Ate Guy na um-attend sa kanilang family reunion at New Year celebration na naganap nitong nakaraang Jan. 8, 2022.

Sinorpresa si Ate Guy ng kanyang mga anak kabilang na nga sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth de Leon. Balitang si Lotlot lamang ang kulang sa mga anak ng Superstar sa nasabing event.

Alam naman ng publiko na matagal nang hindi nag-uusap at nagkikita sina Ate Guy at Lotlot dahil sa kanilang tampuhan. Maraming haka-haka tungkol sa dahilan ng away nila, kabilang na riyan ang umano’y relasyon ng award-winning veteran actress kay John Rendez.

Kamakailan, nag-post si Lotlot ng kanyang litrato sa Instagram na may caption na, “Hakuna Matata,” na ang ibig sabihin ay “walang problema.”

Sa comment section ng kanyang post ay may netizen na nagsabing napakatigas daw ng puso niya dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang makipagbati kay Ate Guy. 

Comment ng nasabing IG user, “Matigas talaga puso noh? Siguro kung di ka nya inampon wala ka sa kalagayan mo ngayon.

“Nakita naming lahat dinalaw c ate guy ikaw lang wala. Ano pag tingin mo sa kanya pangas? D ko gusto ugali mo.”

Narito naman ang mahinahon pero tumatagos sa pusong sagot sa kanya ng aktres, “Ay! Ang puso mo hinay hinay po…

“Pero teka baka kulang pa po sasabihin nyo? Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo?

“Okay.. noted po! Noted na noted po!” pahayag pa ni Lotlot.

View this post on Instagram

A post shared by Lotlot de Leon (@ms.lotlotdeleon)


Kinampihan naman ng kanyang followers ang aktres kabilang na si Myria Dufresne, ang kapatid niya sa biological father na si Donald Lee Olson.

Bwelta nito sa mga bashers ni Lotlot, “You don’t know her on a personal level, so don’t be rude!

“You have no idea what goes on in the family, so please keep your nasty grams to yourself!

“My sister has a very loving heart and she deserves nothing but the best!” matapang na pagtaganggol pa nito kay Lotlot na agad namang nag-thank you sa kapatid.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Lotlot ay adopted daughter ni Nora at ng ex-husband niyang si Christopher de Leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Ian de Leon naman ang biologocal son nina Ate Guy at Boyet habang adopted din ng veteran actress sina Matet, Kenneth at Kiko.

Wish ni Janine tinupad nina Lotlot at Monching; may message para sa lahat ng broken family

Mayor Vico naging leading man din noon ni Janine: Napakasarap alalahanin…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending