Lotlot de Leon dumepensa sa mga nega: Wala akong mga kapatid na masasama ang ugali, they are all good people! | Bandera

Lotlot de Leon dumepensa sa mga nega: Wala akong mga kapatid na masasama ang ugali, they are all good people!

Ervin Santiago |January 02,2023
facebook
share this

Lotlot de Leon dumepensa sa mga nega: Wala akong mga kapatid na masasama ang ugali, they are all good people!

Ervin Santiago - January 02, 2023 - 08:10 AM

Lotlot de Leon dumepensa sa mga nega: Wala akong mga kapatid na masasama ang ugali, they are all good people!

Lotlot de Leon, Nora Aunor at Matet de Leon

AYAW nang makisawsaw pa ng award-winning actress na si Lotlot de Leon sa naging away ng kanyang inang si Superstar Nora Aunor at kapatid na si Matet de Leon.

Nag-ugat ang galit ni Matet sa kanyang ina nang kumpetensiyahin at gayahin ni Ate Guy ang kanyang gourmet tuyo at tinapa business.

Hanggang ngayon ay balitang hindi pa rin nag-uusap ang mag-ina tungkol sa nasabing kontrobersya matapos nagbitiw ng salita si Matet na hinding-hindi na niya kakausapin si Ate Guy dahil sa ginawa nito sa kanya.

Sa nakaraang presscon ng pelikulang “That Boy In The Dark” kung saan isa nga sa cast members si Lotlot, ay natanong siya kung ano ang sey niya hinggil sa kinasangkutang iskandalo ng kanyang ina at sisteraka.

“I hope eventually, maayos ang mga dapat maayos. Ganito na lang, wala akong mga kapatid na masasama ang ugali.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lotlot de Leon (@ms.lotlotdeleon)


“Lahat ng mga kapatid ko, whether si Ian, si Matet, si Kiko, si Ken, lahat ‘yan sobrang magaganda ang puso nila. Kasi si Mommy rin (Nora) ang nagtuturo sa kanila kung paano magkaroon ng magandang puso,” paliwanag ni Balot.

Aniya pa, “Lahat ng mga kapatid ko, they are all good people. They are all willing to sacrifice and love… si Ian, kinakain niyan pride niyan, maipakita lang sa iyo na mahal ka niya.

“Si Matet, kahit banyo lilinisin niya maiparamdam lang niya sa iyo na mahal ka niya. Si Kiko, ganoon din, kung may kailangan kang ipagawa sa kaniya, o kahit na, all he can do, or offer is to listen, to whatever you have to say, he will listen.

“Si Kenneth yung tipong kapag may inutos ka, walang hindi ‘yan,” depensa pa ni Lotlot sa mga nanghuhusga sa kanyang mga kapatid.

“Minsan kasi kami ng Mommy, may mga bagay na hindi na rin kami…kumbaga, understood na lang na lahat naman sa aming mga anak, ganu’n siya, e. So may mga bagay na hindi na kailangang ipaliwanag.

“Si Matet naman, alam niya naman na kaming magkapatid, lagi naman kaming… will always be, kumbaga, kung ano man ang trials, at the end of the day, pamilya pa rin kami,” esplika pa ni Lotlot.

At tungkol sa relasyon niya ngayon kay Ate Guy, “Whatever naman I have with my mom is really personal, e. Ibang tao lang naman ang gustong maghalungkat ng mga kung anu-ano, di ba?

“Whatever I have with my mom is personal. So, I prefer it that way. Kami naman, like ako, aminin ko nung una na nakakatanggap ako ng mga ganung pananalita, medyo nasa-shock ako.

“Kasi, saan nanggagaling, di ba? Saan nanggagaling yung salitang wala kaming utang na loob? Ano ba ang alam ng mga tao sa mga nagawa at hindi ko nagawa para sa pamilya ko? Hindi ba?” ang paliwanag pa ni Lotlot.

Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Matet sawang-sawa na sa pag-intindi kay Ate Guy: ‘Hindi ko na siya kakausapin ulit, ginawa ko na ang lahat’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matet lukang-luka kay Ate Guy: Para akong tinraydor! Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga ‘tol!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending