Cristy Fermin pinayuhan si Nora at ang 5 anak na manood ng 'Family Matters' | Bandera

Cristy Fermin pinayuhan si Nora at ang 5 anak na manood ng ‘Family Matters’

Reggee Bonoan |January 04,2023
facebook
share this

Cristy Fermin pinayuhan si Nora at ang 5 anak na manood ng ‘Family Matters’

Reggee Bonoan - January 04, 2023 - 06:45 PM

Cristy Fermin pinayuhan si Nora at ang 5 anak na manood ng 'Family Matters'

Nora Aunor, Matet, Ian, Kiko, Kenneth at Lotlot de Leon

SA kasalukuyang gusot ni Matet de Leon at ng mommy niyang si Nora Aunor ay may mga nagtatanong kung ano ang stand dito nina Lotlot at Kiko de Leon?

Wala kasi sila sa Noche Buena kung saan naroon sina Ian at Kenneth kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

May sariling family na rin sina Lotlot at Kiko kaya siguro mas pinili nilang makasama ang mga ito kaya wala sila sa selebrasyon kung saan kasama ang kanilang ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matet (@misismatet)


At dahil sa problema ng mag-iina ay may payo si Nanay Cristy Fermin.  Binanggit niya ito sa “Cristy Ferminute” radio show nila ni Romel Chika kaninang tanghali, Enero 4.

“Sana panoorin nila ang Family Matters, silang lahat. Dapat pati si Guy, si Matet, si Lotlot, si Kiko, si Kenneth at saka si Ian lahat sila panoorin nila at baka paglabas nila ng sinehan ay maisip-isip nila na iba talaga ang pamilyang nagmamahalan,” pahayag ng veteran columnist.

Sabi ni Romel Chika, “Tama dapat pala ito ang gagawin natin para magkaintindihan tayo kahit na nag-aaway-away tayo at the end of the day ito dapat ang resulta ng away natin mauuwi sa maganda.”

Sambit pa ni ‘Nay Cristy, “At saka natural lang naman kung pito ang anak, pito rin ang ugaling pakipanimbangan. Nagkakaiba po ng opinyon at plano sa buhay ang mga anak pero lagi po nating tatandaan, iisang sinapupunan pa rin ang kanilang pinagmulan.

“Oo nga’t sina Matet, Lotlot, Kiko at Kenneth ay hindi nagmula sa sinapupunan ni Nora Aunor, ‘yung pagtanggap palang sa kanila bilang mga anak, parang ‘yun na ‘yun, eh. Kaya dapat magkasundu-sundo na sila,” aniya pa.

May mga reaksyon din ang netizens na since mas bata raw si Matet ay sana siya na ang unang bumati kay Ate Guy para maging masaya na ang lahat.

Kaya marami ang nag-aabang kung magkakabati ba ang mag-ina ngayong 2023.

Lotlot de Leon dumepensa sa mga nega: Wala akong mga kapatid na masasama ang ugali, they are all good people!

Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matet lukang-luka kay Ate Guy: Para akong tinraydor! Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga ‘tol!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending