Alexa Ilacad naiyak nang makita sa personal ang ‘My Chemical Romance’: One of my biggest dreams just came true!
TILA halo-halo ang naramdamang emosyon ng aktres na si Alexa Ilacad matapos siyang mag-fangirl sa iniidolo niyang international rockband.
Ibinalita niya sa social media na natupad ang isa sa kanyang “biggest dreams” – ang makita sa personal ang bandang “My Chemical Romance.”
Sa pamamagitan ng Instagram video, makikita na naiyak sa tuwa si Alexa nang makadalo siya sa concert ng nasabing banda sa Japan.
Ayon pa sa kanya, hindi siya makapaniwala na darating ito sa kanyang buhay.
“I never thought this day would come.. One of my biggest dreams just came true – I FINALLY SAW MY CHEMICAL ROMANCE LIVE [crying face, black heart emojis],” sa kanyang caption.
Excited pa niyang inilahad, “Best day of my life!!!!!!!!! I don’t think I will ever move on from this experience.”
Inamin din ng aktres na ang mga kanta ng rock band ay naging parte rin ng kanyang buhay.
“Thank you, @mychemicalromance, for being my safe haven growing up,” saad niya sa IG caption.
Chika pa niya, “There is a tender space in my heart that is and always will be, occupied by you and your music.”
“Hugs to my 6 year old self because our biggest wish has turned into a reality,” ani pa ni Alexa.
View this post on Instagram
Maraming fans naman ang tuwang-tuwa sa naging achievement ni Alexa at narito ang ilan sa mga komento nila:
“I’m so happy you are able to reach your dreams Lex! Dream big, it will happen! [white heart emoji]”
“Sarap panoorin pa ulit ulit.so happy for you LEx and the best pa ay kasama mo si KD sa concert [red heart emoji].”
“So happy to see you fulfilling your fangirl dreams. as a fangirl too, such moments are the most priceless [white heart emoji].”
Related Chika:
P-Pop star MONA binalikan ang pagiging fangirl sa bagong single na ‘Tagahanga’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.