Alexa Ilacad sa body-shamers: ‘Nakaka-beastmode!'

Alexa Ilacad sa body-shamers: ‘Nakaka-beastmode! Kaya nababastos ang mga babae kasi may bastos’

Pauline del Rosario - May 07, 2023 - 02:56 PM

Alexa Ilacad sa body-shamers: ‘Nakaka-beastmode! Kaya nababastos ang mga babae kasi may bastos’

PHOTO: Instagram/@alexilacad

TILA nanggigil ang aktres na si Alexa Ilacad matapos basahin isa-isa ang ilang “toxic comments” mula sa bashers at haters.

Isa na riyan ang nagsabing, “Kaya ka nababastos kasi kabastos-bastos pananamit mo.”

Mabilis na hindi sumang-ayon si Alexa at sinupalpal ang nagkomento nito sa kanya.

“No, kaya kami nababastos kasi bastos ka,” sey niya sa naging interview ng Star Magic na ibinandera sa YouTube.

Sinagot din ng aktres ang nabasa niya mula sa netizen na sinabing, “mas marami pang naging sakuna ang body positivity kasi sinasabi na okay lang ang maging malnourished at obese.”

Ayon kay Alexa, hindi basehan ang hubog ng katawan at itsura upang masabing malusog ang isang tao.

Baka Bet Mo: Alexa Ilacad tinutukso sa 3 lalaki: Ang ganda ko, ‘di ba? Ang haba ng hair ko!

“I guess a lot of people really lack reading comprehension or lack a better understanding of context,” sambit niya.

Paliwanag niya, “The people don’t really promote that, ‘oh you should be obese,’ ‘you should be this is how it is now so we’re promoting this.’ It’s not that ‘cause wala sa size, wala sa itsura ang pagiging healthy.”

“Kung hindi ka doctor ng taong ‘yun, I don’t think you shouldn’t be making any comments about other bodies,” dagdag niya.

Tila na-high blood naman ang Kapamilya actress nang mabasa niya ang isa pang komento na, “Nag-two piece ka pa eh ang taba taba mo naman.”

“Nakaka-beastmode!,” naiinis na sinabi ni Alexa.

Sey pa niya, “Oh my God, ano ang pake natin kung ano ang gustong suotin ng tao…Bakit tayo nakikialam sa suot ng ibang tao.”

“Hindi naman tayo ang nagpapakain sa kanila, hindi naman tayo ang bumili ng damit nila, hindi naman ikakasira ng buhay mo kung nag-two piece sila. So why the violent reactions? Let people enjoy this,” saad pa niya sa video.

Dahil diyan ay inalala ng aktres ang kanyang naging karanasan matapos siyang mag-post ng kanyang pictures na naka-swimsuit.

Nakwento niya na talagang nanggalaiti siya sa galit nang ma-bash siya, lalo na’t hindi naman mahalay ang kanyang mga litrato.

“‘Yung mga swimsuits ko honestly is always one piece, wala namang kita kasi prefer ko ‘yun. So when I read the [hate] comment, I was fuming mad, like, alam niyo ‘yung cartoons na lumalabas sa ears niyo ‘yung hangin at sa nostrils, ganun ‘yung naramdaman ko,” chika niya.

Paliwang pa niya, “Kasi napaka-toxic, napaka-shallow ‘nung ganung thinking and siya ang bastos!”

“‘Diba wala naman sa pananamit ‘yung dahilan kung bakit nababastos ang mga tao, ang mga babae. Kaya nababastos ang mga babae kasi may bastos,” ani pa ng aktres.

Panawagan ni Alexa sa madlang pipol, kailangang maging mas mabuti sa kapwa at alisin ang pag-iisip na makakasakit sa ibang tao.

“Please be kinder, the world needs it,” sambit ni Alexa.

Patuloy niya, “Sabi nga ni Ariana Grande, masyado na tayong comfortable in commenting on someone else’s body.”

“So I pray for us just to be kinder, gentler and also remember that not everything on social media is real, not everything is attainable, and totoo ‘yung sinasabi nila na every body is different,” dagdag niya.

Mensahe pa niya, “Let’s try to think kinder thoughts and remember that our body is our vessel. It is our home. It is doing everything it can to keep us alive and that is enough to be thankful for.”

Related Chika:

Aljur pinasok ang online selling; Vice may banat sa mga ‘bastos’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hashtag Nikko kinampihan si Arjo: Ate masama magpakalat ng fake news baka magsara ang…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending