Alexa Ilacad tinutukso sa 3 lalaki: Ang ganda ko, 'di ba? Ang haba ng hair ko! Bandera

Alexa Ilacad tinutukso sa 3 lalaki: Ang ganda ko, ‘di ba? Ang haba ng hair ko!

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Alexa Ilacad tinutukso sa 3 lalaki: Ang ganda ko, ‘di ba? Ang haba ng hair ko!

Ervin Santiago January 23, 2022 - 09:28 AM

KD Estrada, Alexa Ilacad, Eian Rances at Benedix Ramos

“GANDA mo te!” Yan ang panunukso ng mga netizens sa Kapamilya actress-singer na si Alexa Ilacad dahil tatlong guys ang inili-link sa kanya ngayon pagkalabas niya ng Bahay ni Kuya.

Bukod kay KD Estrada, may mga fans din na nagsi-ship sa kanila ng mga kapwa “PBB” season 10 housemates na sina Eian Rances at Benedix Ramos. 

“Ang ganda ko ‘di ba, ang haba ng hair ko!” ang natatawang pahayag ni Alexa sa panayam ng ABS-CBN.
Aniya pa, “Honestly it’s stressful but I’m still really grateful because they all love me. It’s just hard to handle them. 

At kung papipiliin nga kung sino kina KD, Eian at Benedix ang gusto niyang maging leading man in the future, bahala na raw ang ABS-CBN at “PBB” management ang magdesisyon tungkol dito.

“Sa mga fandom naba-bash ako. Kasalanan ko ba? I just want everyone na pantay-pantay, I want everyone to receive the same amount of love!” sabi pa ng dalaga.

Chika pa ng Kapamilya youngstar, “If it were all up to me, I would want a project with everyone para everyone happy!“ 

Samantala, mas nagpapalakas pa raw ngayon ng immune system si Alexa para mas tumibay ang kanyang katawan at makapag-recharge for future projects.

“I’m actually diagnosed with insomnia so sleep is not a good friend but I’m taking medication na rin.

“At night, I’m like a vampire. I have lucky days when I can sleep and some days I can’ t but I’ve learned how to live with it!” sabi pa niya.


Todo ang pasasalamat ni Alexa sa lahat ng kanyang mga kapamilya, kaibigan at supporters na patuloy na nagtitiwala, nagmamahal at nagdarasal para sa kanyang kalusugan.

Kamakailan, inamin ni Alexa ang tunay na estado ng relasyon nila no KD, “It was a two-way thing. If he got strength from me, I got strength from him, too. Our bond was just so genuine.

“From the very start, we had this really, really strong connection. We are the only ones who understood each other, and who wouldn’t get tired of each other.

“Inside the house, where everything is so stressful, honestly — mentally, spiritually, emotionally, physically, with all the challenges — it’s a giant blessing for me that KD was there. If he’s thankful for me, I’m thankful for him even more,” aniya pa.

Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5

Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan

Alexa feeling ‘big winner’ kahit napalayas na sa PBB: I have done nothing but show my true colors!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending