KD Estrada tinawag na 'best partner' si Alexa Ilacad, muling pinakilig ang fans: 'I’ll stop the world and melt with you' | Bandera

KD Estrada tinawag na ‘best partner’ si Alexa Ilacad, muling pinakilig ang fans: ‘I’ll stop the world and melt with you’

Ervin Santiago |February 28,2023
facebook
share this

KD Estrada tinawag na ‘best partner’ si Alexa Ilacad, muling pinakilig ang fans: ‘I’ll stop the world and melt with you’

Ervin Santiago - February 28, 2023 - 07:04 AM

KD Estrada tinawag na 'best partner' si Alexa Ilacad, muling pinakilig ang fans: 'I’ll stop the world and melt with you'

KD Estrada at Alexa Ilacad

MULING nagpasabog ng kilig at good vibes ang magka-loveteam na sina KD Estrada at Alexa Ilacad sa social media.

Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang short but super sweet message ng Kapamilya young actor para sa celebration ng birthday ni Alexa.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si KD ng litrato ni Alexa na may hawak na bouquet of flowers.

Aniya sa caption, “To the best partner anyone could ever ask for. Happy bday.”

Kasunod nito, nag-post din ang binata sa IG ng ilang sweet photos nila ng kanyang leading lady na may mensaheng, “I’ll stop the world and melt with you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kyle daiñel estrada (@kdestrada_)


Siyempre, kanya-kanyang post ng kanilang reaksyon ang mga KDLex fans na kilig na kilig nga sa birthday message ni KD para sa dalaga.

Sa panayam kamakailan ng “Magandang Buhay,” sinabi ng magka-loveteam na utang nila sa kanilang mga loyal supporters ang tagumpay ng kanilangvon-screen team up.

In fairness naman kasi sa dalawang Kapamilya stars, talagang matagal-tagal din silang naghintay bago nakamit ang bonggang break na tinatamasa nila ngayon sa entertainment industry bilang isa sa mga promising youngstars ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kyle daiñel estrada (@kdestrada_)


“Never kong naisip na darating ako dito sa puntong ito ng career ko. I remember nung nasa Sta Magic ako, pinapangarap ko lang na pumunta dito sa ‘Magandang Buhay.’ Mag-guest sa ‘ASAP.’ Magkaroon ako ng leading roles. Now I’m here,” sabi ni KD.

Para naman kay Alexa, itinuturing naman niyang “bonus” sa kanyang patuloy na gumagandang career si KD.

“Very fulfilling kasi alam kong matagal ko itong hinintay. Hanggang ngayon, araw-araw pa rin akong nagte-thank you. Hindi naman sa hindi ako kuntento pero I am hungry for more as well,” chika ni Alexa.

Baguhang aktres todo kayod para sa pangarap, nakiusap na mapasama sa pelikula ng sikat na loveteam

Derek, Ellen muling nagpasabog ng kilig sa prenup video; naghalikan sa tuktok ng bundok

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alexa Ilacad umamin na kay KD Estrada: I don’t fear the future anymore because I have you with me…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending