P-Pop star MONA binalikan ang pagiging fangirl sa bagong single na ‘Tagahanga’
SINO sa inyo ang mahilig mag-fangirl sa kanilang mga iniidolo?
Tiyak na makaka-relate kayo sa bagong kanta na inilabas ng Pinoy pop star na si MONA.
Ito ang “Tagahanga,” ang kanyang second single under Sony Music Entertainment.
Ayon kay MONA, ang nabanggit na kanta ay hango mismo sa kanyang karanasan noong siya’y wala pa sa music industry at nagfa-fangirling pa lamang.
“To an extent, I’d say that these memories come from a place of love and adoration,” sey ni MONA sa isang pahayag.
Saad pa niya, “I took the experience to heart when I decided to start a career in music, because at some point in my life, I know how it feels to be a fan.”
Ang bagong kanta ay isinulat mismo ng singer at produced by K-Pop/P-Pop producer OhWon Lee.
“The producer prominently highlights the bass and guitar parts, creating a driving rhythm that encourages dancing and movement,” lahad ni MONA.
Aniya pa, “This, in turn, sets the tone of the track, adding a layer of fun and excitement.”
Ang “Tagahanga” ay ang follow-up ng kanyang debut single na “Always Remember,” isang kanta na tungkol sa pagpapahalaga sa sarili.
Related Chika:
Engagement nina Liza Soberano, Enrique Gil noong Valentine’s Day fake news!
Young actor abusado, walang utang na loob; magaling maglandi sa mayayamang beki
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.