Young actor abusado, walang utang na loob; magaling maglandi sa mayayamang beki | Bandera

Young actor abusado, walang utang na loob; magaling maglandi sa mayayamang beki

Ervin Santiago |July 07,2021
facebook
share this

Young actor abusado, walang utang na loob; magaling maglandi sa mayayamang beki

Ervin Santiago - July 07, 2021 - 09:00 AM

MARAMING nakararating sa amin na kwento na user daw pala talaga ang isang young actor na laging naghihintay ng mga padala ng mayayamang tagahanga mula sa iba-ibang bansa.

Ayon sa nasagap naming chika, mga pagkain, damit, at kung anu-ano pang mga bonggang regalo ang ibinibigay sa kanya ng fans mula pa sa Amerika. 

Tuwang-tuwa naman siyempre ang aktor dahil sa kabaitan ng kanyang mga tagahanga, na ang iba ay never pa nga niyang na-meet up close and personal.

Tanong ng aming kausap, tagahanga nga ba talaga o mga benefactor? Super user daw kasi ang guy na ito dahil kahit hindi pa nga niya nakikilala nang personal ay super getlak talaga siya ng mga regalo.

Kaso recently daw ay sumusuko na ang mga nagpapadala dahil very ungrateful daw ang aktor na ito na pinipili lang ang pinasasalamatan sa kanyang social media accounts.

Kwento pa ng ating source, kapag may mga simpleng pabor daw sa abusadong binata ay deadma raw ito at tila nagtutulug-tulugan. Magaling lang daw talaga siya kapag may kailangan.

At dahil nabawasan na ang mga nagbibigay sa kanya ng mga gifts, todo lambing daw ito ngayon sa mga mayayamang beki na ipinakilala sa kanya before ng kanyang talent manager. 

Magaling daw talagang mambola  ang binata kaya naman marami talagang napo-fall sa kanyang kunu-kunong kabaitan.

E, yun na lang kasi ang kanyang aasahan dahil wala naman siyang malalaking projects. Type niya rin ang pagpapa-sexy sa TikTok at magpasilip ng kapirasong bahagi ng kanyang katawan.

Pagtatapos ng ating source, sana naman daw ay matuto na sa buhay ang young aktor na ito matapos ang mga mabibigat na pinagdaanan niya sa buhay at career.

Dahil kung hindi pa rin siya magbabago at patuloy lang na manggagamit, wala talagang mangyayari sa buhay niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending