Kris Bernal sinupalpal ang netizen na nag-comment sa kanyang pregnancy update video ng, 'Blessing yan, parang pinagsisisihan mo?' | Bandera

Kris Bernal sinupalpal ang netizen na nag-comment sa kanyang pregnancy update video ng, ‘Blessing yan, parang pinagsisisihan mo?’

Ervin Santiago |May 10,2023
facebook
share this

Kris Bernal sinupalpal ang netizen na nag-comment sa kanyang pregnancy update video ng, ‘Blessing yan, parang pinagsisisihan mo?’

Ervin Santiago - May 10, 2023 - 04:55 PM

Kris Bernal sinupalpal ang netizen na nag-comment sa kanyang pregnancy update video ng, 'Blessing yan, parang pinagsisisihan mo?'

Kris Bernal

NAKAKALOKA ang bagong paandar ni Kris Bernal sa social media nang magbigay siya ng update sa kanyang pagdadalang-tao.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng aktres ang isang video kung saan ibinalita niyang 26 weeks na siyang pregnant at habang tumatagal ay parami nang parami ang mga natututunan niya.

Mapapanood sa video si Kris habang nili-lip-synch ang sikat na linya mula sa “The Hot Chick” na “It’s me, Jessica. I’m in here!” kasabay ang pagturo sa kanyang lumolobong baby bump suot ang kanyang pink bikini.

Sabi ng aktres sa kanyang caption, “Same fit but add another human (pregnant woman emoji). A little fun #26weeks bump update.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Habang papalapit na sa last week ng kanyang second trimester, nagbahagi ang “StarStruck Season 4” alumna ng ilang detalye sa kanyang pregnancy journey na nakaagaw ng pansin ng mga netizens.

Paglalarawan ng aktres sa sanggol na nasa sinapupunan niya, “Baby is moving around like a gymnast” at halos hindi na raw niya makita ang kanyang “vagina” dahil sa patuloy na paglaki ng kanyang tiyan.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko

“Linea negra and pink streaks in my belly become more noticeable. I can barely see my vagina or anywhere beneath my belly.

“Having the wildest, weirdest dreams of my life with night sweats. Experiencing pregnancy insomnia that comes with anxiety and worries. And, just most of the time I’m in zombie mode! The list goes on,” pagbabahagi pa ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Sa kabila nito, feeling niya, “so blessed to experience this and this baby girl is already filling our days with so much love and hope. Thanks for the outpouring of love y’all.”

Ilang sandali lamang matapos i-post ni Kris ang kanyang video, nilinaw niyang “for laughs only” lamang ito at wala siyang intensyong lagyan ng malisya ang proseso ng pagbubuntis.

Sabi ni Kris sa kanyang IG Story, “My acting was so convincing that people didn’t realize it was sarcastic and just a trending pregnant meme (shrug emoji).”

Marami namang naka-relate sa aktres at sinabing naranasan din nila ang mga nae-experience ng aktres noong magbuntis sila.

Pero sa comments section ay may isang netizen ang nagtanong sa aktres ng, “Blessing yan. Parang pinagsisihan mo?”

Ito ang isinagot ni Kris sa kanya, “Read the caption po. Blessed for the miracle of life, for what my body is doing, and loving my bump in this season which means my baby is growing!

“It doesn’t make you a bad mama or ungrateful to have feelings that aren’t always sunshine and rainbows!” paliwanag ni Kris Bernal.

Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz may babala sa mga mahilig mag-advice: Make sure na hindi ka toxic mismo, ha?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending