Ogie Diaz may babala sa mga mahilig mag-advice: Make sure na hindi ka toxic mismo, ha?! | Bandera

Ogie Diaz may babala sa mga mahilig mag-advice: Make sure na hindi ka toxic mismo, ha?!

Therese Arceo |January 12,2023
facebook
share this

Ogie Diaz may babala sa mga mahilig mag-advice: Make sure na hindi ka toxic mismo, ha?!

Therese Arceo - January 12, 2023 - 06:20 PM

Ogie Diaz may babala sa mga mahilig mag-advice: Make sure na hindi ka toxic mismo, ha?!
NAGBIGAY ng babala ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz sa mga taong mahilig magbigay ng mga payo sa buhay.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang kanyang opinyon patungkol sa mga taong napakahilig magbigay ng advice.

“Sabi nila alisin ang toxic people sa buhay mo,” umpisa ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Bago mo sabihin yan, make sure na hindi ka toxic mismo, ha?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

Aniya, “Sa panahon ngayon, pag nagsalita ka ng mga wisdom and realization mo sa buhay, nakakalimutan nilang di sila perfect.”

To be fair naman, may point si Ogie lalo na dahil sa ngayon ay masyado nang expose online ang madlang pipol.

Bukod pa rito, halos lahat ay entitled na sa kanilang mga opinyon lalo na’t lahat ay nasa social media na.

Marami naman ang nag-agree kay Ogie na tila nakaka-relate sa mga sinabi ng komedyante.

“Mismo! Meron ako kilala na napakagaling magsabi ng Toxic people…pero hindi nya siguro alam na yung sarili nya mismo napaka toxic,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Parang ikaw ogie,galing mo magsalita!!!”

“Korek di tayu perpect kaya tigiilan na ang panghusga sa kapwa ,at time will come pwede sa taong nagsasalita tumama,” hirit naman ng isa.

 

Related Chika:
Ogie Diaz sa chikang si Kylie ang nagloko sa relasyon nila ni Aljur: Hindi naman isyu kung sino ang una o sumunod…

Ogie Diaz gets ang pagbili ni Mommy Pinty ng 500 tickets para sa concert ni Toni: Susuportahan mo ‘yung anak mo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang

Mommy Divine inirereklamo raw ng kanyang mga empleyado ayon kay Ogie Diaz: Hindi ko lang ‘to first time narinig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending