Ogie Diaz gets ang pagbili ni Mommy Pinty ng 500 tickets para sa concert ni Toni: Susuportahan mo ‘yung anak mo | Bandera

Ogie Diaz gets ang pagbili ni Mommy Pinty ng 500 tickets para sa concert ni Toni: Susuportahan mo ‘yung anak mo

Therese Arceo |January 11,2023
facebook
share this

Ogie Diaz gets ang pagbili ni Mommy Pinty ng 500 tickets para sa concert ni Toni: Susuportahan mo ‘yung anak mo

Therese Arceo - January 11, 2023 - 07:17 PM

Ogie Diaz gets ang pagbili ni Mommy Pinty ng 500 tickets para sa concert ni Toni: Susuportahan mo ‘yung anak mo

NAGBIGAY opinyon ang talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa mga kumakalat na chikang namakyaw ng concert tickets si Mommy Pinty para sa papalapit na concert ng panganay na anak na si Toni Gonzaga.

Sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update” ay napag-usapan nga nila kasama ang mga kaibigang si Mama Loi at Brenda ang naririnig nilang chichi patungkol rito.

“Totoo ba ‘yung chika na bumili si Mommy Pinty ng 500 ticket para sa concert ni Toni?” tanong ni Ate Brenda kay Ogie.

Sagot naman ng talent manager, “500 tickets? Baka naman ano, ako din naman kung sa akin mangyari ‘yun, na anak ko may concert, susuportahan ko din. Parang popularity contest ‘yan sa school ‘di ba. Susuportahan mo ‘yung anak mo.”

Sinigundahan naman ni Mama Loi ang sinabi ni Ogie at sinabing baka para ito sa kanilang mga kamag-anak na wala nang time na bumili ng tickets.

Hirit pa ni Brenda, “Pero kuya, 500 tickets ang binili ni Mommy Pinty, so ibig sabihin hindi malakas ang bentahan.”

Sinagot naman siyang muli ni Ogie at sinabing “Hindi… ako naman naniniwala ako pag kung gaano mo kamahal ang isang tao, susuportahan mo… Siyempre nanay ‘yun Brenda, susuportahan niya ‘yung anak niya.”

Hiling naman ng talent manager na kumita at maging successful ang concert ng Toni.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Siyempre may nag-produce naman ng concert at marami rin namang tao ang involved diyan. Sana kumita… Basta good luck na lang, sana nga ay maging successful dahil 20th year na ni Toni tapos birthday pa niya January 20,” patuloy niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pinty Gonzaga (@mommypinty)

Related Chika:
True ba, mahina ang bentahan ng ticket sa 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang

Janno Gibbs diretsahang sinabi kay Ogie Diaz: Nagkaroon ako ng sama ng loob sa ‘yo

Toni Gonzaga namatay nga ba noong bata?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending