Toni Gonzaga namatay nga ba noong bata? | Bandera

Toni Gonzaga namatay nga ba noong bata?

Reggee Bonoan |May 11,2021
facebook
share this

Toni Gonzaga namatay nga ba noong bata?

Reggee Bonoan - May 11, 2021 - 06:15 PM

KAYA naman pala si Mommy Pinty Gonzaga ang manager ni Toni Gonzaga-Soriano sa buong karera niya ay dahil walang gustong tumanggap noon sa ngayo’y sikat nang TV host-vlogger.

“All my life wala akong naging manager kundi siya (Mommy Pinty).  Never akong na-handle ng kahit sino kundi siya lang dahil nu’ng nagsisimula ako walang gustong mag-manage sa akin, totoo ‘yan.  Inilapit na niya ako kung kani-kanino pero walang may gusto,” balik-tanaw ni Toni.

Sa latest episode ng vlog ni Toni na may titulong “What Mommy Pinty Never Wants to Talk about” ay nakasama rin nila si Alex Gonzaga dahil ang paliwanag ng una, “Para may ibang perspective kasi pansin ko kapag sa vlog ko at nasagot ko si Mommy, sobra siyang nagdaramdam, matampuhin, pero pag si Alex balewala.”

Kaya tanong ni Toni sa ina, “Bakit kay Alex hindi ka sensitive bakit sa akin sensitive ka?”

“Kasi si Catherine (Alex) malambing to! Laging nakayakap, naka-kiss,” katwiran ni mommy Pinty. “Ikaw hindi ka naman ganu’n ka-showy,” sabi naman niya kay Toni.

Breastfeed daw si Alex sabi ng nanay niya samantalang si Toni ay ayaw dumede sa kanya kahit anong pilit dahil mas gusto nito ang tsupon de bote pero gatas pa rin ni mommy Pinty ang laman.

“Ito hindi alam ng lahat, namatay ba ako noong bata ako?” tanong ni Toni sa ina.

“Nagkaroon ka ng convulsion when she was 1-year-old. Sunday ‘yun nasa church kami ng daddy mo.  Pagdating namin meron kang sinat tapos sabi ni Uncle Jojo (tiyuhin), ‘bakit si Celestine?’

Sabi ko, ‘okay naman siya laro nang laro. Takbo ka nga nang takbo sa sala.

“Tapos sabi sa akin, bakit ganito (kinarga) kulay, black, para kang patay na tapos ‘yung dila mo umuurong. Natakot ako tapos ibinigay kita kay mommy (lola nina Toni at Alex) tapos nagkulong na ako sa kuwarto ko sa cabinet nag-pray ako roon,” kuwento ni mommy Pinty.

Naiyak siya sa tanong kung ano ang pinag-pray niya kay Lord, “Ang panalangin ko huwag kang kukunin.  Tapos tinanggap ko na kung anong mangyayari, ipinag-pray ko kay Lord kung ano ‘yung will niya pero ang panalangin ko, mabuhay ka pa rin,” naiiyak na kuwento ni Mommy Pinty.

Sundot ni Toni, “Oo, at 1-year old (I almost died), actually second life ko na ito.”

Itinakbo raw ni Daddy Bono sa clinic ang panganay nila at dahil nakalaylay na ang ulo ni Toni ay sumigaw daw ang tatay niya ng, “Anak lumaban ka!”

“Kaya alam n’yo ang mommy ko nu’ng nangyari ‘yun at nagkaanak ako kay Sevi kapag tatawag ako na sasabihin kong may lagnat si Sevi lagi niyang sinasabi, ‘i-check mo ‘yung paa kailangan pantay dapat mainit ang paa saka ulo, lagi ‘yun ang sinasabi niya,” kuwento ni Toni.

Hirit ng nanay niya, “Oo kasi pag first baby hindi ka aware sa ganu’n. Kasi siya (Toni) ang lakas niya, may sinat siya pero ang paa niya ang lamig. So ang findings, ang init niya umakyat lahat sa ulo kaya ka nagka-convulsion. Sabi ko nga, mas matalino ka pa lalo kung hindi ka nag-convulsion.”

Sabi naman ni Alex, “So bobo siya (Toni)?”

“Hindi matalino na siya, baka mas matalino pa,” giit ni Mommy Pinty.

Mabuti na lang daw at umiyak si Toni noong nasa clinic kaya nabuhay dahil kung hindi ay iba na ang nangyari.

Ang convulsion pala ay bumabalik-balik hanggang seven years old kaya sa tuwing may lagnat daw si Toni ay pinapa-ospital na nila every year daw at kinainggitan pa ito ni Alex. Kaya kapag may sipon siya, lagi raw nagpapapansin sa nanay nila hanggang sa dinala nga dahil tumaas ang lagnat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At ang mga kapatid ko, nagdatingan at may mga dalang flowers kasi pala pinagtatawagan niya na nasa ospital siya (Alex),” pambubuking ni Mommy Pinty sa bunsong anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending