Dennis Trillo umaming nangangapa sa unang pagsabak sa taping para sa bagong teleserye nila ni Bea Alonzo | Bandera

Dennis Trillo umaming nangangapa sa unang pagsabak sa taping para sa bagong teleserye nila ni Bea Alonzo

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Dennis Trillo umaming nangangapa sa unang pagsabak sa taping para sa bagong teleserye nila ni Bea Alonzo

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 12:41 PM

Dennis umaming nangangapa sa unang pagsabak sa taping para sa bagong teleserye nila ni Bea

Bea Alonzo at Dennis Trillo

NGAYON pa lang ay abangers na ang mga Kapuso viewers sa teleseryeng pagtatambalan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo, ang “Love Before Sunrise.”

Balitang nagsimula na ang taping ng dalawang award-winning Kapuso stars  para sa kanilang upcoming romance drama series na siguradong tututukan ng kanilang respective fans.

Ang “Love Before Sunrise” ay mula sa GMA Entertainment Group, ito na ang pangalawang historic collaboration ng GMA Network at ng video streaming service na Viu.

Gagampanan nina Dennis at Bea rito ang mag-soulmates na hindi mapagsama ng pagkakataon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)


“Right love at the wrong time, ganoon talaga. Minsan mayroon tayong mga TOTGA (the one that got away) so makaka-relate ang maraming tao sa istorya namin.

Baka Bet Mo: Lock-in taping ng serye nina Dennis, Barbie at Julie Anne sa Ilocos binagyo, nilindol: Pero nakaraos din…

“It’s about taking a leap for the one that you love,” ang patikim ni Bea tungkol sa tema ng naturang serye.

Sey naman ni Dennis, excited na siyang mapanood ng mga Kapuso ang serye nila ni Bea dahil ibang-iba naman ang role niya rito kumpara sa past projects niya sa GMA 7, kabilang na riyan ang “Maria Clara at Ibarra.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Ayon, medyo nangangapa pa. Ngayon hinahanap ko pa rin ‘yung character. Unti-unti, nadi-discover ko siya habang ginagawa namin paisa-isa ‘yung mga eksena,” pag-amin ni Dennis.

Sa nakaraang panayam kay Bea nabanggit nitong, “Ang isa sa mga ginusto ko talaga when I was about to sign with GMA, I asked kung pwede kung makatrabaho si Dennis and, of course, they said yes.

“Now that it’s coming true, siyempre marami rin kaming preparations like I’ve already received the script, so binabasa natin ‘yan, ginagawan natin ng background ‘yung character,” aniya pa.

Unang nakatrabaho sina Dennis at Bea noong 2002, sa youth-oriented show ng ABS-CBN na “K2BU.” Kasabayan nila  sa Star Magic Batch 10 sina TJ Trinidad at Alfred Vargas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…

#IkawNa: Andrea Brillantes may ‘Dyesebel’ na may ‘Drag You & Me’ pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending