Valentine Rosales inokray ang topless photo ni Rendon Labador: 'Parang ang asim, napanis ata ‘yung motivational rice' | Bandera

Valentine Rosales inokray ang topless photo ni Rendon Labador: ‘Parang ang asim, napanis ata ‘yung motivational rice’

Ervin Santiago |April 25,2023
facebook
share this

Valentine Rosales inokray ang topless photo ni Rendon Labador: ‘Parang ang asim, napanis ata ‘yung motivational rice’

Ervin Santiago - April 25, 2023 - 07:24 AM

Valentine Rosales inokray ang topless photo ni Rendon Labador: 'Parang ang asim, napanis ata ‘yung motivational rice'

Valentine Rosales at Rendon Labrador

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga netizens ang topless photos sa social media ng motivational speaker na si Rendon Labador.

Iba’t iba ang reaksyon ng mga socmed followers ni Rendon nang bumandera ang mga litrato niya sa Facebook at Instagram kung saan kitang-kita ang kanyang super hunky body.

Ang caption ng socmed personality sa kanyang topless pictures ay, “Ano meron? Parang sobrang init ngayon? Pwede ba lumabas ng walang t-shirt?”

“Buti nalang #MotivationalRice kinakain ko, Nakakatipid ako sa pag bili ng mga damit,” hirit pa ng kontrobersyal na negosyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Maraming pumuri sa batak at mamasel na katawan ni Rendon, kabilang na riyan ang mga beki. Pero as usual, may mga nambasag din sa trip ng binata at nagsabing hindi sila naglalaway sa kanyang pa-yummy post.

Isa na nga riyan ang isa pang socmed personality na si Valentine Rosales na lantarang inokray si Rendon at sinabing parang ang asim naman daw ng itsura nito.

Baka Bet Mo: Ina ni Vice Ganda nabigla sa bonggang pasabog ng anak: ‘Pina-prank mo ata ako’

Hirit ni Valentine, “Paano naging motivational yan? Parang ang asim, napanis ata ‘yung motivational rice.”

Isang netizen naman ang naaliw sa post ni Valentine at nagsabing bagay na bagay daw sila ni Valentine na magkaroon ng isang BL (Boy’s Love) project, “Ang love team niyo ay “TineDor.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Narito ang ilan pa sa mga nabasa naming hirit sa FB post ni Rendon na isa ring gym instructor.

“Ang galing din ng strategy neto ni Rendon. Maghahanap ng basher to earn money and to get motivated.”

“Mukang si rendon kargador ahh grabi payat ba.bay na bay. #ayasiv.”

“The design is very owtentic.”

Nauna rito, hinamon na ni Valentine si Rendon sa isang kakaibang “wrestling kung saan pareho silang maubusan ng lakas.”

Ang bwelta naman ni Rendon sa kanya,  “Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo. ‘Yung mukha mo na lang biruin mo, huwag ako.”

#MayAsimPa: Baron pa-yummy sa topless photo, pwede na uling makipagsabayan kay Piolo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

RR Enriquez ‘nanggigil’ kay Ivana Alawi: Tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang may asim pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending