#MayAsimPa: Baron pa-yummy sa topless photo, pwede na uling makipagsabayan kay Piolo | Bandera

#MayAsimPa: Baron pa-yummy sa topless photo, pwede na uling makipagsabayan kay Piolo

Ervin Santiago |September 15,2022
facebook
share this

#MayAsimPa: Baron pa-yummy sa topless photo, pwede na uling makipagsabayan kay Piolo

Ervin Santiago - September 15, 2022 - 04:46 PM

Baron Geisler

“MAY asim pa!” Yan ang nagkakaisang komento ng mga netizens nang makita ang topless photo ng aktor na si Baron Geisler sa social media.

Napa-wow ang mga socmed followers sa ipinost ng mga litrato ni Baron sa Instagram at Facebook kung saan ipinasilip niya ang kanyang fit and healthy body.

Kuha ang mga naturang litrato habang nagbabakasyon ang aktor sa Dapitan City, Zamboanga del Norte kasama ang kanyang misis na si Jamie Evangelista.

Very proud ngang rumampa si Baron sa beach at kitang-kita nga rito ang malaking pagbabago sa kanyang katawan. 

Malaki na kasi ang nabawas sa kanyang timbang with matching abs at muscles pa. At in fairness, ang fresh-fresh ng itsura ngayon ni Baron na ibang-iba sa dati niyang aura.

View this post on Instagram

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)


Pati nga kami ay napa-comment sa post ni Baron na pinusuan naman niya sabay pasalamat sa amin. Puro papuri at positibong reaksyon din ang nabasa namin mula sa netizens.

Halos lahat ay nagsabing pwede na uli siyang makipagsabayan sa ultimate leading man na si Piolo Pascual at sa iba pang aktor na ka-batch nila.

Comment naman ng ating friend at talent manager-columnist na si Leo Bukas sa transformation ni Baron, “Wow, ang hot! Dapat ganyan ka lagi!”

Reply ng aktor sa kanya, “Salamat, Mama Leo. May Asimovs pa. Hahaha! Labyu!” Na ang ibig sabihin ay kahit 40 years old na siya ngayon ay may asim at yummy pa rin.

“Gwapo bro @baron.geisler!” komento ni Janno Gibbs.

Sey ni Lance Raymundo, “Wow!!!!! Ripped ka, brother!!!!!!!”

Sabi naman ng isa niyang IG follower, “I’m so happy to see you looking fit and healthy. I admire you as an actor. You are an amazing actor and hope this time you’ll continue the right path coz we want to see you in the big screen. Use your God given talent and share it with people that admire you. Hats off to you Baron.”

“Hey, you’re more cooler than papa P. Live and let live take it easy bro!” reaksyon naman ng isa pang netizen.

“God bless you! God moves in mysterious ways talaga .he made you not just better person but almost perfect. Congrats and God bless always idol!” ang reaksyon ng isa pang IG user.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, isinabay na ni Baron ang pagbabakasyon sa Dapitan City nang magtungo siya roon para sa Cinemalaya 18 Festival of Winners kasama ng iba pang celebrities na dating winners ng Cinemalaya. 
Nagwagi si Baron sa nasabing local film festival ng best actor sa pelikulang “Jay.”

Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Baron todo pasalamat sa asawa matapos ang kontrobersya: Nagtatrabaho lang po para sa pamilya

Sa wakas, Baron Geisler naka-graduate na sa college: It’s never too late!

Alden Richards ibinandera ang topless photos, pinainit ang social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending