Anak ni Jodi ibinandera ang hunky body; 14 pa lang pero may abs na
NAGULAT ang mga fans at social media followers ni Jodi Sta. Maria nang makita ang latest photo ng anak niyang si Thirdy Lacson.
Binatang-binata na kasi ang bagets at mukhang sa murang edad ay naaadik na rin ito sa pagwo-workout at pagpapaganda ng katawan.
Proud na proud na ibinandera ni Jodi sa kanyang Instagram Stories ang isang short video clip kung saan mapapanood si Thirdy na bonggang-bonggang nagbubuhat at nagwo-workout.
In fairness, kahit binatilyo pa lang ay makikita na ang toned body ni Thirdy na magpi-15 years old na sa December.
Para kay Jodi, hindi na talaga niya mapipigilan ang pagbibinata ng anak kaya pinaghahandaan na niya ang mga pagbabagong mangyayari sa buhay ni Thirdy.
Tulad nga ng caption niya sa isang IG photo ng anak, “Time flies so fast. Parang kailan lang karga karga kita, ngayon halos mag-kasing laki na tayo at ikaw na ang namimili ng damit na susuotin mo at hairstyle na gusto mo.
“Pero kahit ano pang mangyari at ilang taon pa ang lumipas. Ikaw pa rin ang baby boy ko,” aniya pa.
Tungkol naman sa pagdidisiplina, “I just make sure na always come from a place of love and concern, so we do a lot of talking after ng pagdidisiplina.
“But I make sure din na I’m ‘fun to be with’ naman, para naman hindi niya isipin na kapag nakikita niya si mommy puro discipline o ‘don’t do this, don’t do that,’ ganyan.
“Kailangan makita niya ako na friend niya, but, at the same time, mommy pa rin niya,” ani Jodi sa isang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.