Ina ni Vice Ganda nabigla sa bonggang pasabog ng anak: 'Pina-prank mo ata ako' | Bandera

Ina ni Vice Ganda nabigla sa bonggang pasabog ng anak: ‘Pina-prank mo ata ako’

Therese Arceo |August 14,2021
facebook
share this

Ina ni Vice Ganda nabigla sa bonggang pasabog ng anak: ‘Pina-prank mo ata ako’

Therese Arceo - August 14, 2021 - 02:20 PM

ISANG bagong bahay ang pasurpresa ni Vice Ganda sa pamilya Viceral kasabay ng birthday celebration ng kanyang ate na si Dra. Tina Viceral.

Sa una ay dinner lang ang alam nila Nanay Rosario. Nagtataka pa sila noong nasa daan papunta sa venue dahil tila papunta sila sa lugar ng bahay nila Angeline Quinto.

Nang bumaba ay misteryo pa rin ang lahat hanggang sa pumasok na sila sa loob ng bahay kung saan may mga lobo at nakasulat na “Welcome to your new home, Viceral Family”.

Tila nabigla at hindi pa nagsi-sink in kila Nanay Rosario ang surpresang pabahay ni Meme.

“‘Yan ka na naman, anak. Pina-prank mo ata ako,” saad ni Nanay Rosario.

“Hindi ‘to prank! Ang mahal ng binayad ko dito,” sagot naman ni Vice.

“Napakagastos na prank ‘to,” dagdag naman ni Ion.

“Thank you,” nakayakap na sabi ng pamangking si Camille.

“Napakabongga naman ng birthday gift mo,” saad naman ng kapatid na si Dra. Tina.

Habang naglilibot, hindi pa rin makapaniwala si Nanay Rosario dahil tila may ibinulong ito kay Vice.

“Bakit kita lolokohin?” sagot naman ni Vice.

“Sa inyo ito, Nay,” dagdag naman ni Ion.

“Turbo lang ang gusto ko, anak,” sabi naman ni Nanay Rosario.

“Hindi turbo ang deserve mo,” malambing na sagot ni Meme.

Nagpatuloy sa house tour ang pamilya at namili na rin ng kani-kanilang kwarto.

“Thank you, Tito Vice kasi simula bata hanggang ngayon, we’re living in a comfortable life and mas ginagawa pa niyang komportable,” pasasalamat ni Camille, pamangkin ni Vice.

Para kay Vice, deserve ng ina at ng pamilya ang kaniyang regalo. Narealize niya na hindi tiyak ang buhay kaya bago pa ito mangyari, ibinibigay na nito sa pamilya ang magagandang regalo at masasayang memories hanggang nandito pa siya.

“Gusto kong maramdaman ng family ko, maexperience nila yung sarap hangga’t nabubuhay ako, hangga’t nabubuhay sila,” kuwento ni Meme Vice.

“Napaka-precious sa akin ng mga pagkakataon. Napaka-precious sa ‘kin ng panahon kaya ayoko nang mag-aksaya. Hangga’t may time gusto kong makagawa at makapagbigay ng magandang pakiramdam sa pamilya ko,” dagdag pa nito.

Ang surpresang valur ni Vice para sa pamilya ay may 7 bedrooms kung saan lahat ay may sariling banyo at may pa-swimming pool pa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiling ni Vice na sana ay napasaya niya ang pamilya at magkaroon pa sila ng mas maraming time para ma-enjoy ang pinaghirapan ng bawat isa sa pamilya.

Dagdag pa niya, sana raw ay magkaroon ang lahat ng magandang oportunidad para maka-experience ng sarap ng buhay dahil isa sa pinakamasarap na pakiramdam ay ang makitang masayq ang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending