RR Enriquez 'nanggigil' kay Ivana Alawi: Tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang may asim pa | Bandera

RR Enriquez ‘nanggigil’ kay Ivana Alawi: Tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang may asim pa

Therese Arceo |November 01,2022
facebook
share this

RR Enriquez ‘nanggigil’ kay Ivana Alawi: Tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang may asim pa

Therese Arceo - November 01, 2022 - 06:24 PM

RR Enriquez 'nanggigil' kay Ivana Alawi: Tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang may asim pa
HINAMON ng tinaguriang “SawsaweRRa Queen” na si RR Enriquez ang Kapamilya actress at famous vlogger na si Ivana Alawi pagdating sa paseksihan.

Sa kanyang YouTube vlog ay ibinahagi ng TV at social media personality ang komento ng isang netizen kung saan inihahambing nga siya sa 23-year-old actress.

Ang naturang komento ng netizen ay makikita sa kanyang Instagram post kung saan ibinahagi ni RR ang kanyang mga larawan noong nag-celebrate siya ng 39th birthday.

“For me, mas sexy ka pa kay Ivana! Proportion kasi katawan mo love it! 39 pero lumalaban!” sey ng netizen.

Reply naman ni RR, “Gusto ko yun!”

Dagdag pa niya, “Ahaha gravity pero as a sawsawerra queen at I don’t sugarcoat mentality mag-aagree ako sayo. Kaya ko talaga lumaban kay Ivana at sa ibang sexy star jan dahil may asim pa ako CHAROT!”

At sa kanyang latest vlog nga ay muli itong natalakay ni RR at isang karangalan nga raw ang maikumpara siya sa Kapamilya actress.

Chika niya, “At the age of 39, lumalaban pa rin ako kay Ivana. Isang malaking karangalan sa akin yun na masabihan ng mas maganda at mas seksi ka kay Ivana ‘di ba?”

Hirit pa ni RR, “gigil na gigil” rin daw siya sa actress-vlogger dahil crush ito ng kanyang dyowang si Jayjay Helterbrand.

“Alam niyo, gigil na gigil talaga ako diyan kay Ivana. Dahil ang seksi-seksi ang ganda-ganda. Cute-cute na bata. Hindi lang ‘yun, crush din siya ni Jayjay. Kaya happy ako na may nagsasabi na mas seksi ako kay Ivana,” pabirong saad niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Binalikan pa nga nito ang dati nilang video kung saan naglaro silang dalawa ng “Jojowain o Totropahin”.

Sabi pa ni RR, “Crush na crush ka ni Jayjay. Natatandaan ko meron kaming vlog, ang topic si Ivana. Jojowain o totropahin. Sabi ni Jayjay, “jojowain. Naseseksihan daw siya sa’yo. Ako naman yung confidence level ko non bumaba. Charot!”

Pabirong hirit pa niya, magsama raw sila ni Ivana para malaman kung sino ang mas may “asim” sa kanila.

“Kaya kung nanonood ka man Miss Ivan Alawi, Alam mo, gusto kitang hamunin. Magpaseksihan tayong dalawa. Tingnan lang natin kung sino ang may asim pa sa ating dalawa. Ang 39 o ang 23? Charot!” hamon ni RR.

Samantala, wala pa namang sagot ang Kapamilya actress sa pabirong hamon ng dating “Wowowee” host at dancer.

Related Chika:
RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging ‘sawsawera’ ni RR Enriquez?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

FB page ni Ivana Alawi bigla na lang nawala: No warning, no violation, no report, no e-mail…

Xian Gaza binawi ang paratang kay Ivana Alawi: Sorry if I hurted your peelings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending