Xian Gaza binawi ang paratang kay Ivana Alawi: Sorry if I hurted your peelings | Bandera

Xian Gaza binawi ang paratang kay Ivana Alawi: Sorry if I hurted your peelings

Therese Arceo |October 07,2022
facebook
share this

Xian Gaza binawi ang paratang kay Ivana Alawi: Sorry if I hurted your peelings

Therese Arceo - October 07, 2022 - 05:51 PM

Xian Gaza binawi ang paratang kay Ivana Alawi: Sorry if I hurted your peelings

AMINADO ang “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza na nagkamali siya sa kanyang mga paratang laban sa Kapamilya actress na si Ivana Alawi.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya na nakausap ang social media personality na si Zeinab Harake at ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon.

“Nag-message si Zeinab, legit daw na dinelete yung Facebook page nila and under investigation daw sila ng Facebook ngayon,” saad ni Xian.

Aniya, binabawi na raw niya ang kanyang mga sinabi laban sa Kapamilya actress.

“Binabawi ko na lahat ng sinabi ko against Ivana because true love is understanding. Sorry Zeinab if I hurted your peelings,” sey pa ni Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Naging kaibigan ng Pambansang Marites na Lalaki si Zeinab matapos silang magkita sa Singapore kung saan nag-bonding at nagwalwalan ang dalawa hanggang umaga.

Matatandaang base sa unang post ni Xian na hindi siya naniniwalang bigla na lang nawala ang Facebook page ni Ivana na milyon na ang followers.

“Hindi naman sa may galit ako kay Ivana Alawi pero duda ko inunpublished niya yung kanyang page para makaiwas sa audit ng BIR tapos nag-e-emote at nagda-drama lang siya ngayon sa socmed para kunyare na-disable yung FB page niya. Feel ko lang,” saad niya.

Chika pa niya sa nauna niyang post ay naiintindihan naman daw niya ang Kapamilya actress ngunit ang ayaw lang niya ay ang pagdadrama at parang ginagawang tanga ang mga tao.

“Facebook won’t delete verified pages with blue badge unless paulit-ulit kang nagka-copyright violation,” dagdag pa ni Xian.

Sa ngayon ay burado na ang mahabang tsaa ng social media influencer.

Naibalik na ring muli ang Facebook page ni Ivana Alawi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Feeling ni Xian Gaza, pagkawala ng Facebook account ni Ivana may konek daw sa BIR?

Michelle sinagot ang paratang ng mga ‘Marites’: Busog lang po ako

Toni Gonzaga nag-warning sa netizens laban sa poser na humihingi ng ‘digital gift’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending