Feeling ni Xian Gaza, pagkawala ng Facebook account ni Ivana may konek daw sa BIR? | Bandera

Feeling ni Xian Gaza, pagkawala ng Facebook account ni Ivana may konek daw sa BIR?

Alex Brosas - October 06, 2022 - 07:34 AM

Feeling ni Xian Gaza, pagkawala ng Facebook account ni Ivana may konek daw sa BIR?

Ivana Aalawi at Xian Gaza

HINDI pinaniwalaan ng Pambansang Marites na si Xian Gaza ang hanash ni Ivana Alawi na bigla na lang nawala ang kanyang Facebook account na may milyong followers.

“Hi guys. So tinanggal ng Facebook ang page ko. No violations, no update kung bakit nila tinanggal. Bigla na lang ilang ni-remove.  Wala silang update sa akin. Sana maayos ito,” say ni Ivana sa short video niya sa Instagram.

“My 19 Million Verified page disappeared with No Warning, No Violation, No  Report and no email.  A few hours later, my business page for @ivanaskinph also disappeared. It’s not a bug…No reports, No reason. Why??” dagdag pa niya sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Sa kanyang official Facebook account, duda si Xian na sadyang nawala ang FB account ni Ivana. Baka raw sinadya ito ng aktres para makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

“Hindi naman sa may galit ako kay Ivana Alawi pero duda ko inunpublished niya yung kanyang page para makaiwas sa audit ng BIR tapos nag-e-emote at nagda-drama lang siya ngayon sa socmed para kunyare na-disable yung FB page niya. Feel ko lang,” say ni Xian sa kanyang FB post.

“Ang totoo niyan eh nauunawaan ko si Ivana, jusko kaysa kurakutin lang ng mga BIR officials ‘di ba? Ang ayaw ko lang eh yung may dramahan pa sa socmed at pinagmumukhang tanga yung mga tao.

“Facebook won’t delete verified pages with blue badge unless paulit-ulit kang nagka-copyright violation.

“Also, these content creators with multimillion followers like Ivana Alawi ay mayroong direct contact sa Facebook management. Napakadaling ayusin ng mga bagay-bagay with just a single call. Kung totoo man na dinisable ang page niya, they will fix everything privately.

“I-unpublish kung i-a-unpublish yung page tapos manahimik na lang sa gedli. No need for arti arti. Wala namang magagawa ang BIR to audit Ivana Alawi’s Facebook page kung unpublished na ito unless mag-file sila sa korte ng Estados Unidos na hindi nila gagawin dahil masyadong madugo ang proseso kontra Facebook Inc.

“Ang tanong niyo ngayon sa akin “XIAN, kung talagang umiiwas si Ivana sa audit ng BIR, bakit Facebook page lang ang itinago niya sa publiko?”

“Because… sa Youtube, Instagram at TikTok ay mayroong option to hide your individual post. Sa Facebook page, wala.

“Either you publish the entire page or you unpublish once and for all tapos ibalik mo na lang kapag hindi na mainit sayo ang BIR. Gaano kalaki ba ang iniiwasan ni Ivana sa BIR?”

‘Yan ang mahabang paliwanag ni Xian. Any comment, Ivana? Totoo ba ang mga pasabog na pahayag ni Xian o isa itong malaking fake news?

* * *

Ang cute ng eksena sa “2 good 2 Be True” kung saan nahuli ni Gelli de Belen sina Kathryn Bernardo at  Daniel Padilla habang kumakain isang madaling-araw.

Ipinost ni Gelli ang short video sa kanyang Instagram account. “Hoy, ano ang ginagawa ninyo?” tanong ni Gelli kina Kath at Daniel. Nahuli kasi nila ang dalawa na nagbubulungan.

Ang daming nag-react sa eksenang iyon na ipinost ni Gelli.

“Ma! Ang OA mo.”

“Hahahaha. Nakaka high blood nanay.”

“Mama bkt alam m po? Ganon dn po kayo ni Papa noon?”

“Tita M bigyan mo ng moment ang LoyAl tagal namen inintay yan hahaha.”

“Nakain lang pala eh napaka exaggerated naman ni mama kalorkz.”

“Huwag po ganon Tita m @gellidebelen pag kayo ni kap okay lang…May pa group study pa.”

“Grabe talaga kayo, Tita M.”

https://bandera.inquirer.net/290912/celebrity-vloggers-socmed-influencers-pinagbabayad-na-ng-tax-ng-bir

https://bandera.inquirer.net/317673/toni-gonzaga-nag-warning-sa-netizens-laban-sa-poser-na-humihingi-ng-digital-gift

https://bandera.inquirer.net/293497/jamill-pinuntahan-ng-taga-bir-sa-bahay-inaasikaso-na-po-namin-ngayon-sa-tamang-paraan

https://bandera.inquirer.net/291883/kristine-inireklamo-ang-fb-na-nakapangalan-sa-kanya-hindi-nakakatuwa-nakakabastos-na

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending