Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa...nakakabastos na! Bandera

Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa…nakakabastos na!

Reggee Bonoan |August 30,2021
share this

Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa…nakakabastos na!

Reggee Bonoan August 30, 2021 - 06:15 PM

Kristine Hermosa, Oyo Sotto at mga anak

HINDI nagustuhan ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto ang paggamit sa tunay niyang pangalan ng isang Facebook page na may 2 million followers kung saan naka-post ang mga larawan ng pamilya niya na kinuha sa kanyang Instagram.

Ni-repost ni Kristine ang FB page sa kanyang Instagram account at nilagyan ng caption na, “FYI. I don’t own this FB page nor have any access to it. Please unfollow and report. Hindi nakakatuwa ang mga stories na pinopost. Nakakabastos na.”

Ang sinasabi niyang nakakabastos ay dahil pinagmukhang tsismosa ang asawa ni Oyo Sotto na ang tanging inaasikaso ngayon ay ang kanyang pamilya lalo’t bagong panganak pa lamang siya.

Sa nasabing FB page na hindi pag-aari ng aktres ay bukod sa mga larawan ng buong pamilya niya ay may mga larawan ding tinawag na “Sexy mamas with their babies” na binubuo nina Coleen Garcia-Crawford, Sofia Andres at Janella Salvador na pawang nakasuot ng two piece bikini.

Nire-repost din ng page ang mga balita tungkol kay Olympic skater Michael Martinez, ang relasyong Bea Alonzo at Dominic Roque, kasal nina Angel Locsin at Neil Arce at marami pang iba.

Kilala namin nang personal si Kristine Hermosa simula 14 years old pa lang siya at hindi siya mahilig sa showbiz tsismis at ayaw na ayaw niyang nakaririnig ng mga balitang nakasisira sa kapwa artista lalo’t hindi naman alam kung ano ang puno’t dulo.

Straight forward magsalita ang aktres kaya nga sa tuwing may presscon siya noon para sa mga shows niya ay lagi siyang kinaiiritahan ng press dahil kapag ayaw niya ang tanong na sa tingin niya ay offensive ay sinasabi talaga niyang hindi maganda ang tanong at ayaw niya itong sagutin.

Hindi showbiz na tao si Tin kaya sinabihan na niya ang publiko na hindi niya pag-aari ang FB page na may tunay na pangalan at larawan nilang pamilya na ginagamit para pagkakitaan.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending