Ivana Alawi sa mga nakahiwalay na dyowa: Mga sinungaling at cheater!

Ivana Alawi
SA lahat ng gustong manligaw sa Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi, may ilang qualities siyang hinahanap sa kanyang future dyowa.
Bukod sa mabait at humble, kailangan daw na may puso rin ang kanyang magiging partner sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.
Very single ngayon si Ivana at inamin niyang nakikipag-date rin siya kapag may pagkakataon pero mukhang wala pa siyang nagugustuhan sa mga nanliligaw sa kanya.
Sa pakikipagchikahan ng BANDERA sa Kapamilya star kasama ang ilan pang members ng entertainment media kamakailan, natanong siya kung ano ba ang hinahanap niya kay “Mr. Right.”
“Ang ideal guy ko ay hindi mayabang at may puso, ‘yung same heart na gustong tumulong. Ang hirap na magkaiba kami ng ugali, ‘yung walang puso,” pahayag ni Ivana.
Ni-reveal ng dalaga na lahat ng naging relasyon niya ay nauwi lang sa hiwalayan dahil kung hindi raw liar ay manloloko ang nagiging partner niya.
“Three years ‘yung pinakamatagal. Nag-break kasi sinungaling at cheater!” ang pag-amin ni Ivana Alawi.
Samantala, mariing sinabi ni Ivana na hindi siya pinagbago ng panahon sa kabila ng estado ng kanyang buhay at career ngayon. Paano niya napanatili ang kanyang mga paa sa lupa sa kabila ng kasikatang tinatamasa.
View this post on Instagram
“Huwag mong ilagay sa ulo mo. ‘Yun ‘yun. Huwag mong ilagay sa ulo mo. Kung ano man ang nangyayari, sumisikat ka, ang importante ay huwag mong ilagay sa ulo mo,” ang sabi ni Ivana.
Pagpapatuloy niya, “Hindi ko rin kasi iniisip ang mga top. Wala talaga. Ine-enjoy ko lang talaga siya. Kapag inisip ko, mababaliw at mapre-pressure lang ako. Enjoy lang.”
Mga simpleng bagay din ang nagpapasaya sa aktres, lalo na ang kanyang pamilya, “‘Yung time sa family. Magluluto kami. Kumakain kami nang sabay-sabay. ‘Yan ‘yung mga simpleng bagay na hindi mo mabibili.
“Lahat ng pera, bags mo, hindi mo madadala. Nae-enjoy ko kung anong mayroon ako but it’s not something that I can bring. ‘Yung pinakaimportante ay ‘yung pamilya ko kasi sila ‘yung nasa hospital nu’ng time na hirap na hirap ako,” aniya pa.
Nang tanungin kung gaano na siya ka-rich, “Mayaman ako sa pagmamahal, sa pamilya. ‘Yung pera, mawawala rin ‘yan. Contented ako kung anong meron ako.”
At sa tanong kung pumapatol pa rin ba siya sa mga bashers at haters sa social media, “Kapag tungkol sa pamilya, sumasagot ako. Pero kapag sa sarili ko, wala naman akong pakialam. Ang pinakaayaw ko ay ‘yung tungkol sa kapatid ko.
“Ever since po, wala naman akong pakialam sa bashers. Deadma. Kung gusto nilang mang-bash, deadma. Wala ka namang magagawang perfect para sa kanila.
“Ang iniisip ko ay ‘yung mga nagmamahal sa akin at kung paano ako makakatulong. Sa bashers, wala naman akong pakialam,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.