Michelle sinagot ang paratang ng mga 'Marites': Busog lang po ako | Bandera

Michelle sinagot ang paratang ng mga ‘Marites’: Busog lang po ako

Therese Arceo |November 02,2021
facebook
share this

Michelle sinagot ang paratang ng mga ‘Marites’: Busog lang po ako

Therese Arceo - November 02, 2021 - 02:47 PM

Diretsahang sinagot ni Michelle Vito ang mga tsismis na siya raw ay buntis.

Enzo Pineda at Michelle Vito

DIRETSAHANG sinagot ng aktres na si Michelle Vito ang mga kumakalat na tsismis na siya raw ay buntis.

Ito ay matapos niyang mag-upload sa kanyang Instagram ng mga larawan nila kasama ang dyowang si Enzo Pineda at mga kaibigan sa isang resort sa La Union.

“Good times and tan lines,” ito ang caption ni Michelle kasama ang mga larawan nila na masayang nagba-bonding sa beach.

Marami sa mga netizens ang nakapansin sa diumano’y “baby bump” ng dalaga sa mga larawan. Mas lumala pa ang mga espekulasyon ng mga “Marites” nang makita ang isang group photo kung saan tila tinatakpan niya ng kanyang kamay ang bandang tiyan niya.

Agad namang nilinaw ni Michelle ang nga kumakalat na espekulasyon sa kanyang Twitter account.

“Happy Monday, mga Marites. Gusto ko lang naman kumain. Busog lang po ako,” saad ni Michelle.

“So stop lunch na po kayo. Hays,” dagdag pa nito.

Marahil ay mas naging curious lang ang mga “Marites” sa mga mag-dyowa matapos ang naging pag-amin nina Elisse at McCoy na sila ay mga magulang na sa napakagandang bata na si Baby Felize.

Magtatatlong taon na ring mag-dyowa sina Michelle at Enzo sa Pebrero 21. Kamakailan lang nang i-celebrate ng dalawa ang naging achievement ni Enzo Pineda na nakapagtapos ng kanyang training at ngayo’y isa na sa mga celebrities na ganap nang military reservists ng bansa.

 

Related Chika:

Masayang balita ni Michelle Vito: ‘I’m finally graduating’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miles, Michelle gaganap na magdyowa sa love story ng 2 flight attendant-vlogger

Enzo Pineda ganap nang Marine Reservist: SSgt. Pineda reporting for duty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending