Enzo pinagbawalan na ni Michelle na maghubad sa pelikula

Enzo pinagbawalan ni Michelle na maghubad sa movie: Natatakot ako…

Ervin Santiago - June 24, 2024 - 06:15 AM

Enzo pinagbawalan ni Michelle na maghubad sa movie: Natatakot ako...

Enzo Pineda at Michelle Vito

HINDI itinanggi ng aktres na si Michelle Vito ang chikang pinatigil niyang maghubad at makipag-love scene ang kanyang dyowang si Enzo Pineda.

Rebelasyon ni Michelle, totoong may pagkakataong pinagbawalan na niya noon si Enzo na tumanggap ng mga proyektong kailangan niyang magpa-sexy at magpakita ng hubad na katawan.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday ay natanong nga ang aktres tungkol sa naturang balita na nagsimula lang noon bilang blind item.

“Siguro sa akin Tito Boy nakita ko naman na nagawa na niya ‘yon, ng lahat ng mga gusto niyang gawin. Natatakot lang kasi ako na ma-typecast siya, na roon lagi ang mga offer,” ang katwiran ng dalaga.

Baka Bet Mo: Angeli Khang may sikreto para mawala ang kaba sa love scenes, hirap pa ring maghubad sa harap ng kamera

“Kasi naririnig ko nagawa na niya ito tapos biglang may offer ulit sa kaniya. Sabi ko ‘Baka nata-typecast ka na. So, no more,'” dagdag chika pa ng protective girlfriend ni Enzo.

Pahayag naman ni Enzo tungkol sa mga ginawa niyang pagpapa-sexy at love scenes, “‘Yung sexy na ‘yon was a bit daring than what we define as sexy.

“But probably because Tito Boy I was very explorative that time as an actor,” esplika ng aktor na walang keber sa pagpapakita ng hubad na katawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enzo Pineda (@its_enzopineda)


“As an actor, you won’t consider yourself as an actor if hindi ka open sa mga ganu’ng klaseng roles or projects.

“At least you need to experience, for me, at least once. Because that’s what acting is all about, it’s all about exploring life,” dagdag pa niyang paliwanag.

Isa sa mga sexy movie na ginawa ni Enzo ay ang Cinemalaya 2019 entry  “Malamaya,” kung saan nakatambal niya si Sunshine Cruz.

Sa presscon noon ng nasabing pelikula, natanong si Enzo kung hanggang saan ang kaya niyang ipakita onscreen, “Yun pong kailangan sa pelikula.

Baka Bet Mo: Enzo nag-sorry kay Jake pagkatapos ng maaksyong eksena: ‘May mali akong buhat sa kanya kaya na-twist ‘yung tuhod niya’

“Frontal? Yung frontal kasi very delicate. Parang hindi naman, hindi ko siya gagawin kung walang purpose. Kasi parang magiging porn lang tingnan, e.

“Unlike in this film, there’s a purpose kung bakit kami ganito, kung bakit namin ginagawa ‘to. So, there’s a bigger reason why.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“That’s why siguro mas willing ako to explore yung character ko or bilang actor and, kasama ko si Miss Sunshine na mahusay. Hindi na ako nag-doubt kasi maganda yung material,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending