Angeli Khang may sikreto para mawala ang kaba sa love scenes, hirap pa ring maghubad sa harap ng kamera | Bandera

Angeli Khang may sikreto para mawala ang kaba sa love scenes, hirap pa ring maghubad sa harap ng kamera

Reggee Bonoan |July 23,2022
facebook
share this

Angeli Khang may sikreto para mawala ang kaba sa love scenes, hirap pa ring maghubad sa harap ng kamera

Reggee Bonoan - July 23, 2022 - 05:13 PM

Angeli Khang may sikreto para mawala ang kaba bago ang love scenes, inaming hirap pa ring maghubad sa harap ng kamera

MAY sekreto pala si Angeli Khang para mawala ang hiya niya sa mga leading man niya kapag may mga love scenes na talagang topless siya at kung minsan naman ay gagamitan ng malayuang kuha na aninag ang kabuuan ng katawan.

Natanong ang aktres kung paano niya prine-prepare ang sarili sa mga hubarang scenes.

Aniya, “Ano po, bonding with my co-actors, kuwentuhan, hanggang sa maging comfortable na kami kaya nawawala na ‘yung hiya-hiya. Ganu’n po ginagawa bago ang hubaran.

Nagkatawanan ang mga nasa mediacon ng “Wag Mong Agawin ang Akin” na ginanap sa Botejyu Estancia nitong Huwebes, Hulyo 21.

Kasama ni Angeli sa Vivamax movie sina Felix Roco at Jamila Obispo na idinirek ni Mac Alejandre with the special participation of Aaron Villaflor.

Mag-ina ang karaker nina Jamila at Angeli na hindi alam ng huli kaya nagkaroon ng matinding gulo nang malaman nilang iisang lalaki ang gusto nila.

Habang pinapanood namin ang trailer ng “Wag Mong Agawin ang Akin” ay tiyak na mag-e-enjoy ang male subscribers ng Vivamax dahil hubad kung hubad ang makikita nila at patalbugan talaga ng magandang katawan sina Angeli at Jamila.

Naaliw ang media kay Angeli dahil tila nahihiya siya sa habang pinapanood ang trailer ng pelikula nila.

Kaya natanong kung hanggang ngayon ay may hiya pa rin siya kahit nasabi niyang bonding-bonding muna sila ng co-actors niya bago siya maghubad.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)

 

“Until now mahirap pa rin sa akin ang maghubad. Kaya noong pinapakita ang mga frontal ko, nahihiya pa rin talaga ako. Hindi pa rin ako ready na ganito ang ginagawa ko.

“But with the help of Direk Mac, ‘pag nagsu-shoot na, prepared na ang towel. Laging sinasabi sa akin ni direk na, ‘Anak ipakita mo kung ano ang kaya mong ipakita. Lagi mong iisipin na it’s an art. If you look it in the wrong way, then mali talaga ang mangyayari. Lagi mong iisipin na it’s an art, na binibigyan natin ng kulay ang bawat eksena,” pagtatapat ng sexy star.

Kahit may dalawang anak na si Jamila at hindi pa rin daw ganu’n kadaling maghubad sa harap ng kamera.

“Napakahira maghubad. It takes a lot of courage para magawa mo ‘yan. Lakas ng dibdib. Hindi siya madali. But with the support system, pinadali nila. Sa production staff, naging madali dahil kina Direk Mac,” pag-amin din ng dating PBB Teens housemate.

Napuri ni Felix ang dalawang leading ladies niya dahil madaling ka-work.

“Parang nawala na rin ang hiya ko, kasi sila ang tapang-tapang nila, tapos ako naman mahihiya. And Direk Mac make sure na we felt safe,” say ng aktor.

Samantala, natanong si Angeli tungkol sa umano’y pagbubuntis ni AJ Raval dahil iisa ang manager nila, si Jojo Veloso.

Naki-marites ang ilang media kay Angeli pero hindi hindi kami nagtagumpay dahil wala siyang alam.

“Let’s not believe everything we see on social media, as long as wala talagang sinasabi ‘yung artist,” saad nito.

Anyway, mapapanood na ang “Wag Mong Agawin ang Akin” simula sa July 31 sa Vivamax produced ng Viva Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Angeli Khang kabado pa ring magbuyangyang: Never naman naging madaling maghubad, it’s still not normal

Angeli Khang na-shock sa balitang buntis daw ang kaibigang sexy star; umaming 3 ang manliligaw ngayon

Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending