Hirit ni Enzo Pineda kay Michelle Vito: Your love and kindness inspire me to become a better man Bandera

Hirit ni Enzo Pineda kay Michelle Vito: Your love and kindness inspire me to become a better man

Therese Arceo |October 06,2022
share this

Hirit ni Enzo Pineda kay Michelle Vito: Your love and kindness inspire me to become a better man

Therese Arceo - October 06, 2022 - 07:04 PM

Hirit ni Enzo Pineda kay Michelle Vito: Your love and kindness inspire me to become a better man
SWEET na sweet ang naging birthday greeting ng aktor na si Enzo Pineda sa kanyang girlfriend na si Michelle Vito.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nila ang kanilang larawang mag-dyowa pati na rin ang kanyang sweet birthday message para sa dalaga.

“Since you came into my life, I’ve grown to love you so much that I constantly look forward to seeing you each day,” saad ni Enzo.

Pagpapatuloy niya, “Your love and kindness inspire me to become a better man. Your presence has such a positive and calming effect on my heart and soul that I cannot express it in words.”

Ani Enzo, nais niyang ipaalam kay Michelle na siya ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay.

“I want you to know that you are the most important person in my life, and you mean the world to me. Happiest birthday my mahal,” sey pa ni Enzo.

Nag-comment naman ang aktres sa post at sinabing “Thank you my mahal.”

Marami rin sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pagbati kay Michelle sa post ni Enzo.

Comment ng isang netizen, “Yan ang totoong lalaki ipagsisigawan ang pagmamahal sa kanyang minamahal im so proud of you men.sana ol lahat ng artistang lalaki katulad mo may isang salita.”

“Happy birthday mich…since aryana Hanggang sa pinakalast mo na teleserye to MMK, wow iba tlaga you grow as an versatile actress of your generation,” sey pa ng isa.

Hirit naman ng isa pa, “Happy birthday ms.michelle Vito stay healthy & more blessings to come, MICHENZO forever ,we love you both.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enzo Pineda (@its_enzopineda)

Noong October 4 ay nag-celebrate ng ika-25th birthday si Michelle.

Talaga namang going strong ang relasyon ng dalawa at kahit sa naging panayam noong January 2022 ni Enzo ay inamin ng binata na nakikita niya ang kanyang future kasama si Michelle.

“Ako naman, to be honest, anytime puwede naman ako. Because I really see Michelle as… alam n’yo na. And if we’re both ready, why not ‘di ba? Ako game na game ako. I would love to spend my time with Michelle,” lahad niya.

Related Chika:
Masayang balita ni Michelle Vito: ‘I’m finally graduating’

Enzo kay Michelle: Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong magmahal ng isang anghel…

Michelle Vito sa tsismis na nabuntis siya ni Enzo Pineda: Next time, hindi na ako kakain kapag magsu-swimsuit

Michelle sinagot ang paratang ng mga ‘Marites’: Busog lang po ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending