Enzo kay Michelle: Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong magmahal ng isang anghel... | Bandera

Enzo kay Michelle: Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong magmahal ng isang anghel…

Ervin Santiago |March 02,2022
facebook
share this

Enzo kay Michelle: Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong magmahal ng isang anghel…

Ervin Santiago - March 02, 2022 - 08:22 AM

Enzo Pineda at Michelle Vito

IBINANDERA ng celebrity couple na sina Enzo Pineda at Michelle Vito sa social media ang abot-langit na pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Dalawang taon nang magkarelasyon sina Enzo at Michelle at maraming fans ang nagtatanong kung kailan naman magle-level up ang kanilang relationship — meaning kung napag-uusapan na rin ba nila ang pagpapakasal.

In fairness, botong-boto naman ang kani-kanilang pamilya sa relasyon nila kaya siguradong wala namang kokontra sakaling maisipan na rin nila ang lumagay sa tahimik.

Kamakailan lang ay nag-celebrate nga ang dalawang Kapamilya stars ng kanilang second anniversary as a couple. Nitong nagdaang Lunes,  Feb. 28, nag-post ng super sweet message si Enzo sa Instagram para sa kanyang girlfriend.

Dito, ibinahagi ng aktor kung gaano niya kamahal si Michelle at kung gaano siya ka-loyal na boyfriend sa dalaga. Nagpasalamat din siya sa unconditional love na natatanggap mula sa aktres.

“To my dearest Dai, 

“My love for you grows each passing day, like the universe that has no end, nor a beginning. Infinite and eternal.

“You are the brightest star in my sky. Thank you for your unconditional love and patience. You are the reason why I strive to become a better man. 

“Despite the challenges in life, for me this has been the best two years of my existence and counting. Salamat my Dai dahil binigyan mo ako ng pagkakataon magmahal ng isang anghel.

“I’m so lucky to have an incredible and strong woman by my side. Always remember na nandito ako lagi to support, to protect, and to love you with all my heart. I love you so much. Happy anniversary.

“Yours truly, Daidai,” ang buong pahayag ni Enzo. 

Sumagot naman si Michelle sa love letter ni Enzo, aniya, “Happy anniv mahal. I love love love you!! See u in a bit.”

Kinumpirma nina Michelle at Enzo ang kanilang relasyon noong August, 2020. Nagsimula ang kanilang love story nang magkakilala at magkasama sa 
ABS-CBN series na “Nang Ngumiti Ang Langit” noong 2019.

View this post on Instagram

A post shared by Enzo Pineda (@its_enzopineda)


Sa isang panayam, sinabi ni Enzo na handa na siyang i-level up ang pagmamahalan nila ni Michelle, “Of course, we wouldn’t be in a relationship right now if hindi namin nakikita ‘yung future namin together. 

“Definitely, nasa utak ko ‘yun. But as of the moment, I think dapat mag-focus muna kami sa careers namin. And Michelle is also busy with a lot of things.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero ako naman, to be honest, anytime pwede naman ako. Because I really see Michelle as… alam niyo na. And if we’re both ready, why not, ‘di ba? Ako, game na game ako. I would love to spend my time with Michelle,” pahayag ng binata.

Enzo Pineda handa nang pakasalan si Michelle Vito: Anytime pwede, game na game ako!

Vice nagpagawa ng gym sa bahay para kay Ion; Enzo, Michelle nagpapakaligaya sa Bora

Michelle sinagot ang paratang ng mga ‘Marites’: Busog lang po ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending