Michelle Vito sa tsismis na nabuntis siya ni Enzo Pineda: Next time, hindi na ako kakain kapag magsu-swimsuit | Bandera

Michelle Vito sa tsismis na nabuntis siya ni Enzo Pineda: Next time, hindi na ako kakain kapag magsu-swimsuit

Reggee Bonoan |April 21,2022
facebook
share this

Michelle Vito sa tsismis na nabuntis siya ni Enzo Pineda: Next time, hindi na ako kakain kapag magsu-swimsuit

Reggee Bonoan - April 21, 2022 - 01:41 PM

Enzo Pineda at Michelle Vito

NA-STRESS pala si Michelle Vito nang mabalitang buntis siya noon courtesy of her boyfriend Enzo Pineda.

Ito ang isa sa naging topic sa YouTube channel na “Showbiz Update” nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Ate Mrena na in-upload nitong Huwebes ng madaling araw.

Dumalo kasi sa first birthday party ni Baby Felize na anak nina McCoy de Leon at Elisse Joson si Ogie at isa sina Michelle at Enzo sa nakapanayam niya.

Naipaliwanag na ito noon ni Michelle na bagong kain lang siya kaya malaki ang tummy niya bukod pa sa malaki talaga ang kanyang puson.

Tanong ni Ogie sa dalaga, “Hindi ka ba nabuwisit nu’ng first mong malaman na buntis ka raw.”

“Hindi pero mas na-stress ako noong ang dami nang tuluy-tuloy nagko-comment. Pero kasi ayaw ko ‘yung parang pinag-uusapan. ‘Yun ‘yung ayaw ko, eh,” nakangiting kuwento ni Michelle.

Sabi naman ng boyfriend niyang si Enzo, “Hindi ko nga alam na may ganu’ng nangyari nu’ng time na ‘yun. Nagulat na lang ako tumawag ‘yung daddy ko, (tinanong) ‘buntis ba si Michelle?’ Sabi ko, ‘hindi ko alam, bakit?’”

Sagot daw ng tatay ng aktor, “Kasi nasa news, eh.”

“Huh? Sabi ko, ‘dad wala busog lang si Michelle,’” natatawang sabi ni Enzo.

At ang na-realize ni Michelle sa buntis issue, “Hindi ako kakain pag nag-swimsuit. Ha-hahaha!” nakitawa rin si Enzo sa sinabi ng girlfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Vito ♡ (@michellevito)


Sunod na tanong ni Ogie ay kung nainggit ang dalawa kina McCoy at Elisse dahil may Baby Felize na sila. “Ha-hahaha! Ako hindi,” mabilis na sabi ni Michelle.

“Hindi naman,” kaswal ding sabi ni Enzo.

Wala pa raw planong mag-propose si Enzo kay Michelle dahil, “Busy pa raw si Michelle, eh, sa mga dreams at career sa goal niya.”

Nabanggit na rin ito sa huling panayam kay Enzo sa isang movie mediacon na wala pa siyang planong bumuo ng pamilya at kapag meron na ay malalaman naman daw ito ng lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Support siya sa aktres sa karera nito at siniguro naman ng aktor na si Michelle na ang babaeng makakasama niya for the rest of his life.

Enzo Pineda handa nang pakasalan si Michelle Vito: Anytime pwede, game na game ako!

Enzo kay Michelle: Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong magmahal ng isang anghel…

Masayang balita ni Michelle Vito: ‘I’m finally graduating’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending