Dingdong, Marian niregaluhan ng 'Pinocchio' si Sixto para sa kanyang 4th birthday: '20 times na niyang napanood yung movie' | Bandera

Dingdong, Marian niregaluhan ng ‘Pinocchio’ si Sixto para sa kanyang 4th birthday: ’20 times na niyang napanood yung movie’

Ervin Santiago |April 17,2023
facebook
share this

Dingdong, Marian niregaluhan ng ‘Pinocchio’ si Sixto para sa kanyang 4th birthday: ’20 times na niyang napanood yung movie’

Ervin Santiago - April 17, 2023 - 02:50 PM

NAGKAKAISA ang mga DongYan fans sa pagsasabing ilang taon na lang ay siguradong magiging matinee idol na rin ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto.

Kitang-kita naman ang kagwapuhan at pagiging bibo ni Sixto o Ziggy sa mga social media posts ng kanyang mga magulang, kaya marami ang nagre-request na sana’y mag-artista na rin ang bagets.

Kamakailan, nagdiwang ng kanyang ika-4 na kaarawan si Sixto at siniguro nina Dingdong at Marian na magiging espesyal at memorable ito sa kanilang bunsong anak.

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang Kapuso Primetime King ng mga litrato at video na kuha sa birthday celebration ni Sixto last April 16.

Sa isang photo makikita ang big surprise nila ni Marian sa kanilang  youngest child na talagang ikinatuwa nito nang bonggang-bongga na gawa ng kilalang local sculptor na si Charming Baldemor.

Kuwento ni Dong, big fan si Sixto ng 2022 animation film na “Pinocchio”. Sabi niya sa caption ng kanyang IG post, “Celebrating Sixto’s 4th birthday with a special surprise – Guillermo Del Toro’s Pinocchio!

Baka Bet Mo: Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

“This wooden toy (from old ipil), carved by our talented sculptor friend Charming Baldemor, has quickly become one of his favorites,” sabi pa ni Dingdong.

Pagpapatuloy pa niya, “Just like how I watched Superman 2 countless times in the 80s, Sixto has seen this movie about 20 times already!

“It’s amazing how stories and characters like Pinocchio are timeless and carry valuable lessons,” aniya pa.

Ito naman ang wish ni Dong, “Here’s to a birthday filled with imagination, wonder, and lots of playtime with this special gift!”

Sey naman ni Marian sa kanyang IG post para sa birthday ng anak kalakip ang litrato nila ni Sixto together, “Love you Six… #FelizCumpleañosMiHijo.”Last year, nag-celebrate si Sixto ng kanyang third birthday with a PJ Masks-themed party na dinaluhan ng malalapit na kapamilya at kaibigan ng Dantes family.

Related Chika:

Marian: Gusto kong maging aligagang nanay…ako ‘yung gigising, magpapaligo at maghahatid sa mga bata sa school

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marian, Dingdong nakauwi na sa bahay, sabik na niyakap ang anak na sina Zia at Sixto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending